Bishop Alminaza, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing parishioner ng Our Lady of Peace Parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 414 total reads

Nanawagan ng panalangin, pagkakaisa, at pagpapanumbalik ng kapayapaan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kasunod ng mga ulat ng insidente ng karahasan sa mga komunidad ng Brgy. Dian-ay at Brgy. Pinapugasan na sakop ng Our Lady of Peace Parish.

Sa inilabas na pastoral advisory ng Obispo, ay ipinahayag ni Bishop Alminaza ang labis na pagdadalamhati ng diyosesis sa pagkasawi ng ilang indibidwal sa nasabing mga lugar, kabilang ang ilan na aktibong kasapi ng parokya at naglilingkod sa iba’t ibang ministeryo ng Simbahan.

Ipinaabot din ni Bishop Alminaza ang pakikiramay ng Simbahan sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at kinilala ang pangamba at pagkabahala na dulot ng karahasan sa komunidad.

“The Diocese has received with deep sorrow the reports of several violent deaths in the communities of Brgy. Dian-ay and Brgy. Pinapugasan within the territory of Our Lady of Peace Parish. We grieve with the families who have lost their loved ones. Some of the victims were known members of the parish community who generously served in church ministries. Their loss is deeply felt by the entire Church.” Bahagi ng Pastoral Advisory ni Bishop Alminaza.

Ayon kay Bishop Alminaza na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace, ang ganitong mga pangyayari ay hindi lamang nakaaapekto sa pamilya ng mga indibidwal na biktima kundi pati sa tiwala at kapanatagan para sa kaligtasan ng buong komunidad.
“We also recognize the fear and anxiety that such incidents bring to families and neighbors. When violence enters a community, it wounds not only individual families but the sense of safety and trust that binds people together,” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Nanawagan din ang Obispo ng kahinahunan sa gitna ng sitwasyon at hinikayat ang mga kinauukulang awtoridad na masusing imbestigahan ang mga insidente ng karahasan at tiyaking maipapatupad ang kaayusan sa komunidad, gayundin ang paagbibigay katarungan sa mga biktima ng naayos sa batas.

Kasabay nito, hinimok din ni Bishop Alminaza ang bawat isa na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng higit pang takot at pagkakahati-hati sa pamayanan.

“At this moment, we appeal for calm and for the restoration of peace and order in the area. We urge all concerned authorities to pursue the truth with diligence and to ensure that justice is carried out according to the law. At the same time, we encourage everyone in the community to avoid spreading unverified accusations or labels that may deepen fear or division.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Binigyang-diin din ng Obispo ang turo ng Simbahan hinggil sa dignidad ng bawat buhay ng tao at hinikayat ang mga mananampalataya na samahan sa panalangin at malasakit ang mga pamilyang nagluluksa at sama-samang magtulungan upang maiwasan ang karagdagang karahasan sa komunidad.

Pagbabahagi ni Bishop Alminaza, “As a Church, we affirm a fundamental principle of our faith and of Catholic Social Teaching: every human life possesses dignity that must be respected and protected. No one should lose their life to violence, suspicion, or vengeance. Let us accompany the grieving families with compassion and prayer. Let us also work together to prevent further violence and to rebuild trust in our communities.”

Samantala, muli naming ipinagkatiwala ni Bishop Alminaza sa pag-iingat ng Mahal na Birhen ang mga komunidad na naapektuhan ng karahasan at muling nanawagan sa lahat ng mananampalataya na patuloy na magkaisa sa panalangin at pagkakaisa para sa kapayapaan ng komunidad.

“We entrust our people in Dian-ay, Pinapugasan, and the whole parish to the maternal care of Our Lady of Peace, praying that she may intercede for the safety of all and guide us toward reconciliation and lasting peace,” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,887 total reads

 41,887 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 92,037 total reads

 92,037 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 139,908 total reads

 139,908 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 243,857 total reads

 243,857 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,818 total reads

 327,818 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top