1,003 total views
Nagpaabot ng pasasalamat si Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga tapat at matiyagang chaplain ng MOP sa patuloy na paggabay sa moralidad at buhay espiritwal ng mga alagad ng batas at sundalo sa bansa.
Ito ang mensahe ng Obispo sa ika-36 na anibersayo ng pagkakatatag ng Military Ordinariate of the Philippines na nangangasiwa sa moralidad at buhay espiritwal ng mga alagad ng batas at Armed Forces of the Philippines.
Ayon sa Obispo, bagamat hindi naging madali ang pagsasakatuparan ng kanilang mandato ay hindi matatawaran ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon upang sila ay patuloy na gabayan at alalayan sa pagsasakatuparan ng kanilang misyon bilang tagapagbahagi ng ebanghelyo.
“To my dear chaplains of MOP I thank the Lord for the blessings of our continued existence: 36years of service for the Church and for the country, Philippines. These years of our existence were not just a walk in the park, we also experienced some downfall and seeming defeats. However, we were confident and assured by the blessings from on high that we can surmount difficulties and we did.” pahayag ni Florencio sa Radio Veritas.
Pababahagi ng Obispo, makalipas ang 36-taon ay higit pang palalawigin ng Military Ordinariate of the Philippines ang mga programa nito hindi lamang para sa mga Kristiyano kundi maging sa ibang paniniwala at pananampalataya maging sa kanilang mga dependents.
Paliwanag ng opisyal, mahalaga ang tungkulin ng MOP chaplains upang matiyak na may maayos at naaangkop na moralidad at espiritwalidad ang mga kawani ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa kanilang pagganap sa kanilang tungkulin bilang mga tagapagpatupad ng batas.
“As we face another year ahead of us my confidence is still high with your undying and unrelenting support for me as the Military Bishop, let us continue our journey, let us embrace our tasks and responsibilities for we have just done what is expected of us. Let us be more enduring in our commitments and pledges in the midst of an evolving times and situations. let us be more focused and continue to gaze on Jesus our Lord and Master.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.
Kasalukuyang pinangangasiwaan ni Bishop Oscar Jaime Florencio ang Military Ordinariate of the Philippines na nagsisilbing pastol ng mahigit sa 160 mga chaplains na nakatalaga sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
December 8, 1950 ng itinatag ni Pope Pius the 12th ang Military Vicariate in the Philippines sa pamamagitan ng Consistorial Decree Ad consulendum kung saan si Manila Auxiliary Bishop Rufino Santos ang nagsilbing kauna-unahang Military Vicar ng Pilipinas.
Sa pamamagitan naman ng Apostolic Constitution na “Spirituali Militum Curae” ng dating Santo Papa na si St. Pope John Paul the 2nd ay itinanghal ito bilang Military Ordinariate of the Philippines noong July 21, 1986.
Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa sa paggabay ng buhay espiritwal ng mga kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Sa tala, aabot sa mahigit 220,000 ang bilang ng mga kawani ng AFP, PNP, at PCG na ginagabayan ng Military Ordinariate of the Philippines mula sa iba’t ibang kampo at rehiyon sa buong bansa.