Bishop Mangalinao, nanawagan ng pagtindig laban sa karahasan at mapaminsalang pagmimina sa Nueva Vizcaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,702 total reads

Nanawagan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mga halal na opisyal ng lalawigan ng Nueva Vizcaya na manindigan laban sa karahasang nararanasan ng mga tagapagtanggol ng kalikasan sa Barangay Bitnong, Dupax del Norte.

Ayon kay Bishop Mangalinao, kailangang marinig ang tinig ng mga lider ng lalawigan, partikular nina Nueva Vizcaya Governor Jose Gambito at Vice Governor Eufemia Dacayo, upang ipagtanggol ang katarungan at kapakanan ng mga mamamayang nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan laban sa mapaminsalang pagmimina.

“Kailangan namin ngayon ang inyong tinig laban sa karahasang ginagawa ng mga pulis sa mga nagtatanggol sa kalikasan sa Barangay Bitnong, Dupax del Norte. Kailangan namin ng halal ng bayan na titindig para sa katarungan para sa kalikasan at sambayanan,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Binatikos din ng obispo ang pagkiling ng mga batas at proseso ng pamahalaan sa mga kumpanya ng pagmimina, lalo sa Woggle Corporation, na nabigyan ng Temporary Restraining Order (TRO) para ipagpatuloy ang operasyon sa mahigit 3,100 ektaryang lupaing sakop ng limang barangay sa Dupax del Norte.

Iginiit ni Bishop Mangalinao na hindi dapat isakripisyo ang kaligtasan at kabuhayan ng mga mamamayan kapalit ng pansamantalang pakinabang mula sa pagmimina.

Aniya, sa gitna ng patuloy na pagbaha, lindol, at bagyo, nararapat lamang na unahin ng pamahalaan ang pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mga pamayanan, sa halip na magbigay ng pahintulot sa mga gawaing magdudulot ng mas matinding pinsala.

“Why is this mining company—[Woggle Corporation]—so favored? Ano ang kanilang ibinigay? Ano ang kanilang inaalok? Ano ang pangakong yaman na hindi matanggihan?,” saad ni Bishop Mangalinao.

Bukod sa Woggle Corporation, patuloy ring binabantayan ng Diyosesis ng Bayombong ang operasyon ng OceanaGold Philippines, Inc. (OGPI) sa Brgy. Didipio sa Kasibu, na natapos ang 25-taong mining permit noong 2019, ngunit muling binigyan ng karagdagang 25-taong pahintulot ng Office of the President noong 2021.

Itinuturing ang Nueva Vizcaya bilang “watershed haven” dahil sa mga likas nitong yaman na tumutugon sa pangangailangang patubig para sa agrikultura at kabuhayan ng lalawigan at karatig na mga rehiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 65,138 total reads

 65,138 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 143,950 total reads

 143,950 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 177,395 total reads

 177,395 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 212,694 total reads

 212,694 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 436,558 total reads

 436,558 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,439 total reads

 157,439 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top