Bishop Pabillo, nagpapasalamat sa humanitarian aid ng European Commission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total views

Ikinagalak ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pagkakaloob ng European Commission (EC) ng humanatarian aid sa Pilipinas at iba pang bansa sa Southeast Asia.

“Tayo po ay natutuwa sa hakbang ng European Commission na magbibigay sila ng Humanatarian Aid at ibang mga bansa na natatamaan ng kalamidad,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Ang humanitarian aid ng EC na aabot sa 21-Million Euros o 1.2-bilyong piso ay pangunahing ilalaan sa pagtulong sa mamayang nasalanta ng kalamidad, nakakaranas ng kahirapan ng dahil sa pag-iral ng sigalot higit na sa bahagi ng Mindanao at disaster preparedness.

Ipinagpapasalamat ng Obispo sa Diyos ang pagtulong ng EC sa mga vulnerable countries higit na sa mga nangangailangang mamamayan.

“This is something that is praise worthy na dapat magtulungan tayo at ang mga bansang mayroon tulad ng European Union ay makakatulong sa mga taong nasasalanta,” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Ipinagdarasal ng Obispo na tiyakin ng European Commission na tunay na mapupunta ang tulong sa mga mamamayang labis na nangangailangan.

Ito ay higit na ngayong panahon ng eleksyon kung saan maaring magamit ang humanatarian aid sa mga anomalyang katulad ng korapsyon.

“Alam niyo malaki sana ang impact ng mga aid na ito sa pagtulong kung talagang natutulungan ay mga nangangailangan kaya ay siguraduhin lang ng European Union na ang aid nila ay talagang nakakapunta sa mga nangangailangan kaya sana hindi ma-corrupt ang kanilang tinutulong at hindi magamit sa eleksyon, ngayong dadating na eleksyon na siguraduhin sana nila na maayos ang tumatanggap nito at talagang nakakatulong sa nangangailangan,” pagbabahagi pa ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ayon naman sa pag-uulat ni Janez Lenarčič, ang EC Commissioner for Crisis Management, ilalaan ang sampung milyong euro sa pagtulong sa mga nasalantang mamayan ng Bagyong Odette noong December 2021.

Isa punto limang milyong euro naman ang ilalaan sa pagtulong sa mga pinakanangangailangang komunidad sa bahagi ng Mindanao at ang nalalabing siyam punto limang euro ay para naman sa disaster preparedness response ng mga matutulungang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 11,655 total views

 11,655 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 136,066 total views

 136,066 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 179,440 total views

 179,440 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 260,069 total views

 260,069 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top