Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Pabillo, pinawi ang pangamba ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 408 total views

Pinangunahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang mainit na pagtanggap ng mga pari, religious men and women at mga laiko ng Arkidiyosesis ng Maynila sa Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula.

Ayon sa Obispo na nagsilbing Apostolic Administrator ng arkidiyosesis sa loob ng mahigit isang taon, walang dapat na ipangamba si Cardinal Advincula sapagkat handa ang buong arkidiyosesis na siya ay tulungan sa kanyang bagong misyon at tungkulin bilang punong pastol ng Archdiocese of Manila.

Nagpaabot rin ng pasasalamat si Bishop Pabillo sa naging pagtanggap ni Cardinal Advincula upang magsilbing Arsobispo ng Maynila na mahigit sa isang taong ipinapanalangin ang pagkakaroon ng bagong Arsobispo.

“I express the sentiments of joyous welcome of the Archdiocese – the clergy, the consecrated people and the lay faithful. We know that you will have to adjust to the situation of leading a big urban archdiocese. We admire your generosity in accepting this service to the Church. Do not be afraid. We are ready, as always, to cooperate and collaborate with our shepherds. You are not in this alone.” mensahe ni Bishop Pabillo.

Pagbabahagi ng Obispo, tulad ng tuwinang panawagan ng Santo Papa Francisco ay makakaasa si Cardinal Advincula sa kahandaan ng lahat ng mga lingkod ng Simbahan at mananampalataya sa arkidiyosesis na magkaisa para sa pagsusulong, pagpapatatag at higit pang pagpapalawak ng kaharian ng Panginoon sa daigdig.

“As Pope Francis is stressing the synodal characteristic of the church, so we walk together in building the kingdom of the fullness of life in the Archdiocese.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Samantala sa unang pagkakataon bilang bagong Arsobispo ng Archdiocese of Manila ay pinangunahan ni Cardinal Advincula ang pagsasariwa sa priestly promises at priestly commitment ng mga Pari.

Bukod kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo magsisilbi ring katuwang ni Cardinal Advincula sa pangangasiwa sa may 86 na mga parokya ng arkidiyosesis ang may 600 mga pari at religious men and women ng Archdiocese of Manila.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,440 total views

 25,440 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,528 total views

 41,528 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,193 total views

 79,193 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,144 total views

 90,144 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 32,028 total views

 32,028 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 16,046 total views

 16,046 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top