NASSA/Caritas Philippines, nagpaabot ng pakikiramay at panalangin sa pamilya Aquino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 665 total reads

Nagpaabot ng panalangin at pakikiramay ang social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pamilya Aquino kasunod ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng NASSA / Caritas Philippines, kabilang sa naging kapansin-pansin sa ilalim ng pamamahala ni dating Pangulong Noynoy Aquino na nakilala bilang “PNoy” ang higit na paglapit ng pamahalaan sa mga mamamayan.

Tinukoy din ni Bishop Bagaforo ang pagpapamalas ng transparency at accountability sa pamamahala sa bansa. Tiniyak naman ng Obispo ang pag-aalay ng panalangin para sa namayapang 61-taong gulang na dating pangulo ng bansa at mga naiwang kaanak nito.

“Our condolences to the Aquino family for the passing of former President Noynoy Aquino. We remember him for his governance of bringing the government closer to the people. His tenure in office exemplified transparency and accountability in governance. We are saddened with his passing. I shall offer a mass for him and prayers.” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Si dating Pangulong Noynoy Aquino ang ika-15 Pangulong ng Pilipinas na nanungkulan mula noong June 30, 2010 kasunod ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo hanggang June 30, 2016 na siya namang sinundan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa ilalim ng kanyang platapormang “Daang Matuwid” ay kabilang sa mga tinutukan ng administrasyong Aquino ay ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa kung saan sa ilalim ng kanyang termino ay lumago ng 6.0-percent ang naging average annual economic growth ng bansa na pinakamataas na mula noong 1970s.

Samantala kabilang sa mga kontrobersiyang naganap sa ilalim ng Aquino administration ay ang Mamasapano encounter kung saan 44 na kawani ng Special Action Forces ang nasawi; ang impeachment ni Chief Justice Renato Corona; at ang kontrobersyal na pagtugon ng pamahalaan sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.

Umaga ng Huwebes ika-24 ng Hunyo, 2021 ng isinugod sa Capitol Medical Center sa Quezon City ang dating Pangulong Aquino dahil sa hindi pa malamang dahilan at kalaunan ay kinumpirmang namayapa na ng ilan sa mga malalapit sa pamilya Aquino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 184,430 total reads

 184,430 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 213,157 total reads

 213,157 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 247,279 total reads

 247,279 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 303,683 total reads

 303,683 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 41,339 total reads

 41,339 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top