Prayer power, hiniling ng medical frontliners sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 840 total reads

March 30, 2020, 2:00PM

Bukod sa pagkain, tubig at medical aid, lubos na nagpapasalamat ang mga hospital workers ng Sta. Ana Hospital at Mandaluyong City Medical Center sa pagdiriwang ng misa sa kanilang pagamutan.

Sa dalawang magkasunod na linggo, simula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine ay nagdiwang ng misa si Fr. Hans Magdurulang ng San Felipe Neri Parish sa dalawang pagamutan kung saan marami ang nakaratay sa sakit dulot ng coronavirus disease.

Ayon kay Fr. Magdurulang, ito ay isang pagpapasalamat sa kanilang paglilingkod sa kabila ng panganib na mahawaan ng sakit.

“When I thanked them, they repeatedly told me that this is what they all really need more, and thank you for the courage to come here,” ayon kay Fr. Magdurulang.

Hiling din ng mga medical workers ang patuloy na panalangin para sa kanilang kaligtasan laban sa sakit upang patuloy na makapaglingkod at tuluyan nang masupil ang pagkalat ng COVID-19.

“They said, please be with us through your prayers. Though we can’t have the mass yet, they ask me to give the prayer and blessing over the paging system of the hospital so that those who can’t join us may also hear and receive the blessing,” ayon pa sa pari.

Si Fr. Magdurulang ay nangakong bibisita sa Sta. Ana Hospital at M-C-M-C tuwing Lunes sa pakikipag-ugnayan na rin sa Our Lady of the Abandoned Parish.

Naniniwala ang pari na biyaya ang paglilingkod ng mga frontliners, at sa pamamagitan ng panalangin sila ay magiging mas matatag at puno nang tiwala sa Diyos na mapagwawagian ang laban kontra sa pandemic.

Bukod sa pananalangin sa mga medical frontliners, patuloy din ang paglaganap ng #ChurchInAction campaign kung saan nagsisilbi na ring pansamantalang tahanan ng mga medical personnel ang mga paaralan, dormitoryo, kumbento at simbahan.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 3,450 total reads

 3,450 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 10,314 total reads

 10,314 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 47,717 total reads

 47,717 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 273,987 total reads

 273,987 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 167,454 total reads

 167,454 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 260,974 total reads

 260,974 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 3,451 total reads

 3,451 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top