Biyaya ng pananampalataya, ibahagi sa kapwa-Archbishop Brown

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,308 total reads

Nagpahayag ng suporta ang kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas sa isinasagawang 17th Mindanao-Sulu Pastoral conference na may temang “The Gift of Faith and Evangelization as a Synodal Church”.

Sa pagninilay ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa banal na eukaristiya ay ibinahagi ng arsobispo na ang pagpupulong ay paraan ng pagpapatatag sa misyong palaganapin ang ebanghelisasyon.

Ayon kay Archbishop Brown, mahalaga ang higit na pagpapalakas sa misyon ng Simbahan bilang daluyan ng pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan.

“The love of Christ impels us to preach with commitment, creativity, and with courage, and that is what you are doing in this conference… If we’re going to be missionaries, if we’re going to proclaim the person of Christ with commitment, creativity and of courage, we need to do it in a way that mirrors the person of Christ.” Ang bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Binigyang diin naman ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan na mahalaga ang papel na ginagampanan ng pamilya na pinagmumulan hindi lamang ng binhi ng pananampalataya kundi maging ng mga aral ng buhay, pananampalataya, pag-ibig at pakikipagkapwa.

Ipinaliwanag ni Archbishop Cabantan na ang biyaya ng pananampalataya ay dapat na ibinabahagi sa kapwa upang higit pang mapalaganap ang kaharian ng Panginoon.

“Indeed, the family plays a vital role in evangelization as the first school of life and worship, of love and friendship, of communion and mission. Hence, we really have to rejoice with God, with His blessing that He has given us; we were gifted with the gift of faith, through the families, through our forefathers, through the missionaries.” Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan.

Pinangangasiwaan ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang 17th Mindanao-Sulu Pastoral Conference na nagdiriwang din ng ika-400 taon ng Kristiyanismo.

Dinaluhan ang pagtitipon ng mga lingkod ng Simbahan mula sa 21-diyosesis sa limang Ecclesiastical Province sa Mindanao na kinabibilangan ng Ecclesiastical Provinces of Cagayan de Oro, Cotabato, Davao, Ozamis at Zamboanga.

Layunin ng pagtitipon na higit pang mapatatag ang komunyon at pagkakaisa ng Simbahan sa Mindanao sa pamamagitan ng sama-samang pagtalakay ng iba’t ibang mga diyosesis sa mga hamon at opurtunidad na patuloy na kinahaharap ng Simbahang Katolika partikular na sa rehiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 36,408 total reads

 36,408 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 171,361 total reads

 171,361 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 256,744 total reads

 256,744 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 320,577 total reads

 320,577 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 399,068 total reads

 399,068 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top