Pamahalaan, bigong tugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap-Ibon Foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,306 total reads

Napapanahon nang tutukan ng pamahalaan ang bagsak na ekonomiya ng Pilipinas na nagpapahirap sa pamumuhay ng mga manggagawa.

Ayon kay Sonny Africa – Executive Director ng Ibon Foundation, libu-libong pamilya na ang naghihirap dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo na pinalala ng mababang minimum wage.

“Mas dumarami ang mga Pilipino, daan-daang libong pamilya ang masasabi na lalong maghihirap ngayon dahil nabawasan sila ng kita, ikalawang indikasyon yung pagbaba ng bilang ng may trabaho at pagbaba nung kalidad ng trabaho lalong hihina ang ekonomiya,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Africa.

Iginiit ni Africa na mahalagang matukoy ng pamahalaan na ang pagbaba ng unemployment rate ay hindi hudyat ng pagbuti ng ekonomiya.

Ipinaliwanag ni Africa na kabila ng pagbaba sa 2.50-million ng unemployment rate ay bumaba sa 47.6-milyon ang mga manggagawang mayroong trabaho.
Ibinahagi din ni Africa na tumaas ang bilang ng mga manggagawang ‘Part-time workers’ ng 310-libo na sinabayan ng 7.7%-inflation rate noong October 2022.

Iminungkahi naman ni Africa ang patuloy na pagbibigay ayuda ng pamahalaan upang mapalakas ang purchasing power at makabili ng pangunahing pangangailangan ang nakakarami.

Sa pag-aaral ng Ibon Foundation noong nakaraang buwan ng Setyembre 2022 ay 1,133-pesos kada araw ang family living wage ng pamilyang mayroong 5-miyembro.

“Nakakalungkot yun kasi ito yung dapat pinagbabatayan ng gobyerno sa pagtakda ng minimum wage ng sa bansa yung paghahabol doon sa kinakailangan ng isang pamilya ng manggagawa o ordinaryong Pilipino para mamuhay ng disente,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Africa.

Patuloy naman ang pakikiisa ng Church-people Workers Solidarity (CWS) na pinamumunuan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza upang makamit ng mga manggagawa ang panlipunang katarungan hinggil sa pagkakamit ng sapat na suweldo at benepisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 85,900 total reads

 85,900 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 117,630 total reads

 117,630 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 219,455 total reads

 219,455 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 260,015 total reads

 260,015 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 276,882 total reads

 276,882 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

73-taong paglilingkod sa mahihirap

 2,007 total reads

 2,007 total reads Kinilala ng Caritas Manila, social arm ng Archdiocese of Manila ang mahalagang papel ng volunteers, donors, benefactors at mission partners sa pagpapalaganap ng

Read More »
Scroll to Top