Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Budget cut, inalmahan ng 39-SUCs

SHARE THE TRUTH

 13,154 total views

Nagkaisa ang 39 na State Universities and Colleges (SUCs) sa panawagan sa pagpapanumbalik ng mga bawas sa budget ng SUCs at pagdaragdag ng pondo para sa higher education para sa susunod na taon.

Ang nilagdaang ‘unity statement’ ay isinulat ng Kabataan Partylist Partylist, na nilagdaan naman ng mga tagapamahala ng mga kolehiyo at pamantasan.

Ang panawagan ay matapos na ang isinagawang executive session ng House Committee on Appropriations kaugnay sa ilang mga usapin at ang pagpopondo sa SUC’s sa fiscal year 2025.

Sinasaad ng nagkakaisang pahayag, ang dinaranas na krisis sa edukasyon sa Pilipinas, partikular sa higher education na sanhi ng pagbabawas ng pondo dahilan sa pagsasara ng ilang institusyon.

Ito ay nakakaapekto sa mga tagapamahala, guro, mag-aaral at iba pang mga kawani.

Ayon pa sa pahayag, higit kailanman, mahalaga na kilalanin, igalang, at panatilihin ng pamahalaan ang karapatan ng mga Pilipino sa edukasyon.

“Education is a fundamental right that should be accessible to all, regardless of socio-economic status. It plays a vital role in empowering individuals and shaping a just society. However, the current state of our education system fails to adequately cater to the needs of our students due to inadequate financial support,” ayon pa sa unity statement.

Ayon sa National Expenditure Program para sa fiscal year 2025, ang mga State Universities and Colleges (SUCs) ay makakaranas ng malaking pagbabawas sa kanilang pondo na may kabuuang higit sa P14 bilyon na ang karamihan sa mga bawas na ito ay nakatuon sa mga gastusin sa mga pasilidad, kagamitan, at iba pang investments sa mga institusyong ito.

Ito ay sa kabila ng iminungkahing pagtaas ng pondo para sa Free Higher Education Program, na nangangahulugang kinikilala ng administrasyong Marcos, Jr. ang pagtaas ng bilang ng mga enrollees sa susunod na taon.

“Additional budget is needed for our learning institutions to regain their public character and provide ample support for student services and faculty development. If our SUCs are expected to carry out their duties as higher education institutions, they must be funded accordingly.”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 15,894 total views

 15,894 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 53,734 total views

 53,734 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 64,687 total views

 64,687 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 90,047 total views

 90,047 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 11,053 total views

 11,053 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 2,510 total views

 2,510 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 22,561 total views

 22,561 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top