Buhay na buhay na pananampalataya ngayong Undas, pinuri ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 447 total views

Pinapurihan ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity ang pagdiriwang ng Undas ngayong taon bilang pagkakataon ng pagbubuklod ng pamilya sa puntod ng kaanak na pumanaw.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, buhay na buhay ang mga mananmapataya sa pag – aalay ng pamisa sa mga yumaong nilang pamilya at nagkakaisa sa pananalangin.

“Sana ang pagdiriwang natin sa Undas ay isang magandang kaugalian nating mga Pilipino na mabigyan ng pagpapahalaga sa ating mga yumao na sila ay hindi talaga nawala sa ating buhay na may kaugnayan pa rin tayo sa kanila. At dahil po sa mga yumao nagkakaisa tayong mga nabubuhay pa nagkakatagpo at nagkakasama – sama muli ang mga pamilya para sa kanilang mga yumao. Yan ay magandang kaugalian na hindi sana mawala,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.

Mahalaga ayon kay Bishop Pabillo na hindi na makapag – simba ang mga mananampalatay ngayong unang araw ng Nobyembre at masimulan na rin ang pagdedebosyon sa mga kaluluwa sa purgatoryo at sa mga kaanak na yumao.

Paliwanag pa ng Obispo na magandang gawain ang pagdedebosyon sa mga kaluluwa sa purgatoryo upang maibsan ang parusang kanilang kinakaharap roon.

“Ngunit ang pinaka – mahalagang pagpaparangal natin at pagtulong sa ating mga yumao ay ang ating mga panalangin. Maari pong makapag – simba tayo sa mga araw na ito November 1 at November 2 at ngayong buong buwan ng Nobyembre ay pagtuunan natin ng pansin ang pananalangin sa mga kaluluwa sa purgatoryo,” giit pa ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Samantala, naging tradisyon na ng mahigit 100 milyong Pilipino ang pagpunta sa mga sememteryo tuwing ika – 1 ng Nobyembre kung saan ipinagdiriwang ang Araw ng mga Banal imbes na ika -2 ng Nobyembre, Araw ng mga Kaluluwa.

Gayunman, sa katuruan ng Simbahang Katolika iniaalay ang buong buwan ng Nobyembre upang ipanalangin ang kaluluwa sa purgatoryo bilang isang debosyong nakapagbibigay indulhensya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 48,298 total views

 48,298 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 172,709 total views

 172,709 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 215,035 total views

 215,035 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 292,960 total views

 292,960 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 50,573 total views

 50,573 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 254,879 total views

 254,879 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top