355 total views
Tiniyak ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo na nakaalerto ang kanilang ahensya sa paggunita ng All Saints Day at All Souls day.
Ayon sa kalihim, naglagay sila ng mga Field Offices na aalalay sa anu mang maging pangangailangan ng mga byahero, o kung mayroon mang maistranded at mangailangan ng pagkain.
The observance of ‘Undas’ will increase the number of travellers to the provinces. In cases that there are people who get stranded along the way and may need food assistance, all our field offices are on standby to extend the necessary family food packs and other appropriate assistance,” pahayag ni Sec. Taguiwalo.
Dagdag pa nito, 24 oras na bukas ang mga Field Offices na mayroong Crisis Intervention Unit (CIU).
Ayon sa ahensya, ang Central Office, Field Offices at National Resource Operations Center ay may kabuuang ₱799,496,188.82 na pondo para sa family food packs at iba pang kagamitan na maaaring kailanganin ngayong ipinagdiriwang ang Undas.