Gawing banal ang paggunita ng Undas-Malacanang

SHARE THE TRUTH

 389 total views

Nananawagan ang Malacanang sa publiko na manatiling disiplinado at sumunod sa lahat ng mga panuntunan ng mga otoridad upang maging malinis, maayos, mapayapa at makabuluhan ang paggunita ng Undas sa ating bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, kakailanganin ng mga otoridad ang aktibong pakikiisa ng taumbayan upang maging maayos at crime free ang Undas ngayong taon.

Dahil dito, iginiit ng Kalihim ang paggalang sa layuning ng Undas na pag-alala sa mga kaluluwa ng mga namayapa sa pamamagitan pagtitirik ng kandila at pag-aalay ng panalangin at hindi pagdadala ng mga alak, baraha, loud speakers at mga armas na maaring makapanakit.

“As we remember our departed loved ones, we ask everyone to observe the solemnity of the occasion. Let us not bring bladed tools, liquors, loud speakers, and even gaming cards and see to it that cemeteries before, during, and after the observance of Undas are clean, orderly, and crime-free,” ang bahagi ng pahayag ni PCO Secretary Andanar

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Malacanang ang mahigpit na seguridad na inihanda ng Philippine National Police katuwang ang Armed Forces of the Philippines at ilang pang sangay sa pamahalaan upang tiyakin ang kalitasan at kaayusan sa lahat ng mga pangunahing lugar tuwing Undas kabilang na ang mga bus terminals, pantalan, paliparan at mga sementeryong inaasahang dadagsain ng mga mamamayan.

Batay sa tala, tinatayang nasa 10,000 mga pulis ang itinalaga ng PNP para sa Oplan Kaluluwa 2016 na magtatagal hanggang sa ika-2 araw ng Nobyembre kung saan nagtalaga rin ng nasa 3,000 tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa buong Metro Manila.

Bukod dito, nakaalerto na rin aniya ang ilang “explosive ordinance disposal (EOD) experts” upang agad na tumugon kung magkaroon man ng insidente ng karahasan o pag-atake sa anumang bahagi ng bansa.

Samantala, bukod sa taimtim na pananalangin para sa kaluluwa ng mga namayapa ay nanawagan rin ng disiplina ang Simbahang Katolika upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa mga sementeryo at himlayan sa bung bansa na isang paraan upang tunay na bigyang respeto at paggalang ang mga namayapa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,186 total views

 80,186 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,190 total views

 91,190 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,995 total views

 98,995 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,234 total views

 112,234 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,738 total views

 123,738 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 7,455 total views

 7,455 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatakip sa katotohanan, isang kasalanan

 9,606 total views

 9,606 total views Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top