VeritasPH

The Word, The Truth

 170 total views

Mga Kapanalig, sa bisa ng Proclamation No. 1906 na inilabas noong 2009, ipinagdiriwang natin tuwing Oktubre ang National Indigenous Peoples Month, kasabay ng ika-24 taóng anibersaryo ng pagsasabatas sa Indigenous Peoples’ Rights Act (o IPRA). Sa kabila ng pagkakaroon natin ng batas na ito, nagpapatuloy pa rin ang pananamantala sa mga kapatid nating katutubo. Kaya naman napakahalagang itaas ang kamalayan ng publiko sa kalagayan at karapatan ng mga katutubo, lalo na ngayong may pandemya.

Sa kasalukuyang krisis pangkalusugan na kinakaharap ng buong mundo, isa ang sektor ng mga katutubo sa mga mas naging bulnerable o lantad sa COVID-19. Ayon sa TEBTEBBA, isang organisasyong nakatutok sa pananaliksik, edukasyon, at mga patakarang para sa mga katutubo, lubos ding naramdaman ng mga katutubo ang epekto ng COVID-19. Dahil ito sa kawalan ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo sa kanilang lugar katulad ng malinis na tubig, serbisyong pangkalusugan, sanitasyon, at iba pang pampublikong serbisyo ng gobyerno. Hindi rin sapat ang naipararating sa kanilang kaalaman tungkol sa virus at mga bakuna dahil karamihan ng nasa dyaryo, telebisyon, o social media ay hindi umaabot sa kanila. Madalas pa, ang mga impormasyong ito ay nasa wikang hindi sila bihasáng gamitin. Noon namang napakahigpit ng lockdown, naging limitado ang kanilang pagtatanim, pangangaso, at pagpapastol na mga pinagkukunan nila ng pagkain. Dahil din sa lockdown, nahirapan ang mga katutubong dalhin at ibenta ang kanilang mga produkto sa mga pamilihan kung saan sila kumukuha ng ikabubuhay para sa kanilang pamilya. Idagdag pa rito ang pagkaantala ng pormal na edukasyon dahil sa pagsasara ng mga eskwelahan. Dati nang maraming balakid sa pag-aaral ng mga kabataang katutubo, ngunit mas pinahirap ng bagong sistema ng edukasyon ngayon ang kalagayan ng mga katutubong nasa mga liblib na lugar na walang akses sa mga kinakailangang teknolohiya.

Maliban sa mga hamong dala ng pandemya, biktima ang mga katutubo ng sapilitang pagpapaalis dahil sa armed conflict o di kaya’y dahil sa mga proyektong pangkaunlaran ng malalaking korporasyong kumakamkam sa kanilang ancestral lands. Dahil naman sa pagkasira ng kalikasang pinagkukunan ng kanilang kabuhayan, marami sa mga katutubo ang kapos at nakararanas ng gutom. Matagal nang biktima ng diskriminasyon, karahasan, at pananamantala ang mga kababayan nating katutubo. Biktima rin sila ng walang humpay na militarisasyon at red-tagging. Kabilang din sila sa mga environmental defenders o mga tagapagtanggol ng kalikasan na pinapatay.

Isa sa matitingkad na prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan ang tinatawag nating common good, kung saan mas ganap at mas madaling nakakamtan ng bawat tao ang mga yaman at oportunidad na mayroon ang isang lipunan upang mapabuti ang kanilang kalagayan o kalidad ng pamumuhay. Para sa Simbahan, ang mundo ay kaloob ng Diyos sa sangkatauhan upang magamit ng lahat nang walang sinumang isinasantabi o kinikilingan. Nakaugat ito sa taglay na dignidad ng isang tao. Iba man ang kanilang kultura’t pananampalataya sa nakararami, sila ay kawangis ng Diyos. Dahil dito, marami pang kailangang gawin upang tunay na maisabuhay ang paalala sa Kawikaan 31:8 na ipagtanggol ang karapatan ng mga mahihirap at nangangailangan.

Mga Kapanalig, higit pa sa pagdiriwang ng kanilang kultura, wika, tradisyon, pamana, at pagkakakilanlan, iniaalay ang buong buwan ng Oktubre para sa mga katutubo bilang paalala sa lahat na tumindig kasama nila laban sa pang-aabuso, diskriminasyon, at paglabag sa kanilang mga karapatan at dignidad. Kasabay ng pag-alala at pagpapahalaga sa mga natatangi nilang kontribusyon sa ating kultura, tradisyon, at kasaysayan, dapat ding ipagpatuloy ang mariing pagtutol sa red-tagging, development aggression, at pagpatay sa kanilang komunidad, sa mga pagkakataong ipinagtatanggol nila ang kanilang lupang-ninuno at ang kalikasan. Nawa’y hindi matapos sa buwang ito ang pagkilala natin sa mga kapatid nating katutubo.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,538 total views

 11,538 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,583 total views

 19,583 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 24,663 total views

 24,663 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,370 total views

 30,370 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,158 total views

 39,158 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 11,539 total views

 11,539 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 19,584 total views

 19,584 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 24,664 total views

 24,664 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,371 total views

 30,371 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,159 total views

 39,159 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,643 total views

 40,643 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,957 total views

 54,957 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,647 total views

 58,647 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,250 total views

 57,250 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,237 total views

 67,237 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,205 total views

 71,205 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,092 total views

 82,092 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,531 total views

 94,531 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,289 total views

 105,289 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,542 total views

 52,542 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top