Cardinal Tagle, humingi ng kapatawaran sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 364 total views

Hinimok ng Kanyan Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kabataan na pagtagumpayan ang iba’t-ibang uri ng mga hadlang upang magkaisa ang sangkatauhan.

Ito ay matapos ang tatlong araw na pagsasagawa ng Genfest 2018 sa World Trade Center, Pasay City na nagsimula noong ika-6 ng Hulyo hanggang ika-8 ng buwan.

Sa tema ng pagtitipon na “Beyond All Borders”, partikular na binigyang diin ng Kardinal ang tatlong uri ng hadlang sa pagkakaisa ng mga tao.

Una, ay ang pagiging “Bias” at pagkakaroon ng Diskriminasyon dahil lamang sa pagtingin ng tao sa kanyang kapwa bilang mas mababang uri.

Ikalawang punto ni Kardinal Tagle ay “Go Beyond Friendly Borders”; hinikayat nito ang mga kabataan na huwag lamang magpunta sa mga lugar na tayo ay malugod na tinatanggap, kundi tulad ni Ezekiel na maging handa na harapin ang mga pagsubok na kaakibat ng pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon sa mga lugar na hindi tayo katanggap-tanggap.

Panghuli, sinabi nito na bago tuluyang mapagtagumpayan ng isang tao ang mga “Borders” o hadlang na ito, ay kinakailangang mapagtagumpayan muna niya ang mga pagsubok sa kanyang kalooban o ang “Inner border”.

Ipinaliwanag ng Kardinal na ang bawat tao ay may kahinaan na isa ring hadlang sa pag-abot sa ating kapwa at upang mapagtagumpayan ito ay kinakailangang hingin natin ang grasya ng Panginoon.

Samantala, sa pagtatapos ng kanyang Homiliya, humingi ng tawad si Kardinal Tagle sa mga kabataan dahil ang mundong maipapasa ng kanilang Henerasyon ay puno ng pagkakahati-hati, kaguluhan at pagkasira ng kalikasan.

Aniya, naniniwala siyang dahil sa sigla at lakas ng kalooban ng mga kabataan ay mapagtatagumpayan ng mga ito ang mga pagsubok na naghahati-hati sa mga tao.

Payo pa ng Kardinal, marapat na laging mapaghari ng mga kabataan ang pag-ibig sa kanilang mga puso dahil ito ang magiging susi upang tunay na magkaisa ang buong mundo sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kulay, lahi, kultura at paniniwala.

Read: His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Culminating mass of Genfest 2018

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 47,823 total views

 47,823 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 47,823 total views

 47,823 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 47,823 total views

 47,823 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 46,358 total views

 46,358 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 42,348 total views

 42,348 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 284,201 total views

 284,201 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top