Community based treatment, Dapat na parusa sa mga lumalabag sa Lokal na Ordinansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 638 total reads

Hindi ang pagkakulong ang dapat na maging tugon sa pagkakamali o hindi pagtalima sa mga batas at mga ordinansa sa ating bansa.

Ito ang binigyang diin ni Bro. Rudy Diamante, Executive Secretary of CBCP Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care kaugnay sa anti-tambay campaign ng Philippine National Police.

Iginiit ni Diamante na hindi dapat na pagkulong ang laging tugon ng mga Otoridad dahil ang nilalalabag ng mga tambay ay lokal na Ordinansa.

Ayon kay Diamante, dapat ang parusa sa mga tambay ay community based treatment.

“Huwag laging kulong ng kulong, for example ngayon violation lang ng ordinance ay bakit ikukulong mo pa, puwede naman yang i-refer sa barangay and then to provide a certain kind of community base treatment in coordination with the law, yun yung ina-advocate natin more of restorative hindi lang custody lagi ang nasa isip kasi nila ‘you secure the community by putting people in prison’ hindi naman kailangan i-kulong kasi mayroong community based…” paglilinaw ni Diamante sa panayam sa Radyo Veritas.

Naniniwala si Diamante na dahil sa kasalukuyang kampanya laban sa illegal na droga at sa mga tambay sa lansangan ay mas lalo pang nadaragdagan ang bilang ng mga nagsisiksikang mga bilanggo sa mga piitan sa bansa.

Batay sa Annual Audit ng Commission on Audit o COA mula sa datos ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa pagtatapos ng 2017 tumaas ng 612-porsyento ang Jail Congestion rate noong nakalipas na taon.

Nabatid na pitong ulit na mas malaki ang bilang ng mga bilanggo sa mga piitan sa buong Bansa na aabot na sa 146,302 mula sa dapat sana’y Kapasidad lamang ng mga bilanguan na 20,653.

Sa tala ng COA, malaking salik sa paglaki ng bilang ng mga bilanggo ay ang mga nakulong dahil sa kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamut.

Naunang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco, magiging mabunga lamang ang pananatili sa loob ng piitan kung naghahatid ito ng pag-asa sa halip na pagdurusa sa mga bilanggo upang sila ay mapanibago at maihanda sa posibleng pagbalik sa Komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,428 total reads

 86,428 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,309 total reads

 120,309 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,608 total reads

 155,608 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,878 total reads

 381,878 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,721 total reads

 270,721 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top