Cardinal Tagle, humingi ng kapatawaran sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 454 total reads

Hinimok ng Kanyan Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kabataan na pagtagumpayan ang iba’t-ibang uri ng mga hadlang upang magkaisa ang sangkatauhan.

Ito ay matapos ang tatlong araw na pagsasagawa ng Genfest 2018 sa World Trade Center, Pasay City na nagsimula noong ika-6 ng Hulyo hanggang ika-8 ng buwan.

Sa tema ng pagtitipon na “Beyond All Borders”, partikular na binigyang diin ng Kardinal ang tatlong uri ng hadlang sa pagkakaisa ng mga tao.

Una, ay ang pagiging “Bias” at pagkakaroon ng Diskriminasyon dahil lamang sa pagtingin ng tao sa kanyang kapwa bilang mas mababang uri.

Ikalawang punto ni Kardinal Tagle ay “Go Beyond Friendly Borders”; hinikayat nito ang mga kabataan na huwag lamang magpunta sa mga lugar na tayo ay malugod na tinatanggap, kundi tulad ni Ezekiel na maging handa na harapin ang mga pagsubok na kaakibat ng pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon sa mga lugar na hindi tayo katanggap-tanggap.

Panghuli, sinabi nito na bago tuluyang mapagtagumpayan ng isang tao ang mga “Borders” o hadlang na ito, ay kinakailangang mapagtagumpayan muna niya ang mga pagsubok sa kanyang kalooban o ang “Inner border”.

Ipinaliwanag ng Kardinal na ang bawat tao ay may kahinaan na isa ring hadlang sa pag-abot sa ating kapwa at upang mapagtagumpayan ito ay kinakailangang hingin natin ang grasya ng Panginoon.

Samantala, sa pagtatapos ng kanyang Homiliya, humingi ng tawad si Kardinal Tagle sa mga kabataan dahil ang mundong maipapasa ng kanilang Henerasyon ay puno ng pagkakahati-hati, kaguluhan at pagkasira ng kalikasan.

Aniya, naniniwala siyang dahil sa sigla at lakas ng kalooban ng mga kabataan ay mapagtatagumpayan ng mga ito ang mga pagsubok na naghahati-hati sa mga tao.

Payo pa ng Kardinal, marapat na laging mapaghari ng mga kabataan ang pag-ibig sa kanilang mga puso dahil ito ang magiging susi upang tunay na magkaisa ang buong mundo sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kulay, lahi, kultura at paniniwala.

Read: His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Culminating mass of Genfest 2018

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,407 total reads

 50,407 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,056 total reads

 130,056 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,503 total reads

 163,503 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,801 total reads

 198,801 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,337 total reads

 423,337 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,647 total reads

 37,647 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,536 total reads

 30,536 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top