Dialogue kay Pangulong Duterte, waste of time at energy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 522 total reads

Itinuturing na pag-aaksaya lamang ng oras at enerhiya ang pakikipag-dayalo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang reaksyon ni Sister Mary John Mananzan, OSB, dating co-Chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) kaugnay sa naging pagpupulong kamakailan lamang ni Catholic Bishops Conference of the Philippine President Davao Archbishop Romulo Valles at Pangulong Duterte.

Iginiit ng Madre na walang kuwenta ang pakikipagdayalogo o ang pakikipagpulong kung malinaw naman na hindi susunod sa anumang mapagkakasunduan ang isa sa dalawang panig.

“So ako I’m not, I’m not even for that dialogue pero sa akin lang wala akong nakikitang good result of that, after all what is the point of dialogue, hindi ko talaga maintindihan kung hindi siya magpa-follow what is the point of dialogue when you know that the other party will not naman abide by any agreement that you have diba so what’s the point sa akin it’s a waste of time and energy, sa totoo lang…”pahayag ni Sister Mananzan sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, ilang araw lamang matapos na magkaharap sina CBCP President Archbishop Valles at Pangulong Duterte kung saan tiniyak ng Pangulo sa Arsobispo ang “moratorium” sa pagbatikos sa Simbahang Katolika ay muli na namang bumanat ito sa mga bumabatikos sa kanya gamit ang relihiyon.

Nagkausap si Archbishop Valles at Pangulong Duterte noong Lunes sa Malacañang kasunod na rin ng pagtatapos ng ika-117 Plennary Assembly ng CBCP kung saan dumalo sa pagtitipon ang mahigit sa 80 mga Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Kabilang sa mga usaping natalakay ay ang mga pangunahing usaping panlipunan kabilang na ang pagsusulong ng ganap na kapayapaan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,407 total reads

 84,407 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,558 total reads

 118,558 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,858 total reads

 153,858 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 380,127 total reads

 380,127 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 269,052 total reads

 269,052 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top