Cardinal Tagle, inalayan ng dasal ng mga mananampalataya.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total views

Emosyunal na pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa para sa ika-25 taong pagtatalaga ng simbahan ng National Shrine of Our Lady of Guadalupe.

Ito’y makaraang mag-alay ng panalangin ang mga mananampalataya kay Cardinal Tagle at sa kanyang pagtugon sa bagong tungkulin bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

Hiling ng mga mananampalataya sa panginoon na bigyan ng lakas at pagpalain si Cardinal Tagle sa kanyang pagganap bilang pinuno ng Propaganda Fide.

Labis ang pasasalamat ni Cardinal Tagle sa nadaramang suporta at pagmamahal mula sa mga mananampalataya

Sa kanyang homiliya, hinimok ng Kardinal ang mga mananampalataya na ialay ang sarili bilang mga buhay na templo ng Panginoon.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang kahilingan ng Diyos ay i-alay ng tao ang buhay sa kanya.

“Ikaw, hindi mga handog na pampalit, substitute. Yan po ang hinihingi sa atin sa anibersaryo ng dedicatin of the church, i-maintain at pagandahin ang simbahan pero ang hinihingi ni Hesus sa bawat ang buhay na bato sa katawan ni Kristo.” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Umaasa din si Cardinal Tagle, na sa kapistahan ng mahal na Birhen ng Guadalupe ay matularan ng mga mananampalataya ang pag-aalay ni Maria ng sarili sa pagtalima sa utos ng Panginoon na maging ina ng tagapagligtas.

“Sana katulad ng mahal na ina na nag-alay ng kaniyang sarili sa pagsasabi n’ya sa anghel, “Narito ang alipin ng Panginoon, maganap sa akin ayon sa wika mo,” inialay niya ang kanyang sarili, sa ganitong diwa lalong gaganda ang ating sambayanan, ang ating parokya ang ating shrine, hindi dahil sa palamuti kundi dahil sa mga puso’t isip katawan at dugo na nagiging kasiya siya sa ating Panginoon.” Pahayag pa ni Cardinal Tagle.

Tuwing ika-12 ng Disyembre ay ipinagdiriwang ang kapistahan ng Our Lady of Guadalupe.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 199,891 total views

 199,891 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 230,114 total views

 230,114 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 256,759 total views

 256,759 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 351,732 total views

 351,732 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 359,799 total views

 359,799 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 346,471 total views

 346,471 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top