VeritasPH

The Word, The Truth

Cardinal Tagle,pinabubuksan ang mga Simbahan sa mga binahang residente

SHARE THE TRUTH

 155 total views

Nananawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng parokya sa Archdiocese of Manila na buksan ang mga simbahan at tulungan ang mga residenteng apektado ng baha bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa Metro Manila at karatig na lalawigan.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang nasalanta ng baha na pumunta sa mga parokya, diocesan Caritas, social action centers at mga Barangay centers na nakahandang tumulong at kumalinga.

Inaanyayahan din ni Cardinal Tagle ang mga Good Samaritan na huwag mag-atubiling tulungan at damayan ang mga nangangailangan.

Tiniyak din ni Cardinal Tagle ang mga spektado ng baha at pag-ulan na kasama sila sa mga panalangin at mga misa ngayong linggo na iligtas sa kapahamakan.

Hinikayat din ng Kardinal ang lahat na ipanalangin ang kaligtasan ng mga apektado ng masamang panalangin.

“Una po sa lahat para sa mga naapektuhan ng ulan, ng baha kayo po ay kasama sa ating mga panalangin ngayon araw ng Linggo, mula pa ho kahapon, kagabi. Ang mga misa at ang mga panalangin ay may kasama na pakiusap sa Panginoon na alagaan ang mga apektado ng masamang panahon at inaanyayahan po ang lahat na patuloy na manalangin para po sa ating mga kapatid na napipinsala at lumapit po sa parokya o kaya po sa mga Diocesan Caritas at Social action Centers kung kayo po ay nangangailangan ng tulong. At para po naman sa mga handang tumulong at tayo po ay tinatawagan na sa iba’t ibang pamamaraan ay maging handa na tumulong ay maki-contact po sa parokya, sa barangay, sa Caritas at sa mga iba’t ibang Social Action Centers.” panawagan ni Cardinal Tagle sa panayam sa Radio Veritas

Pinaalalahanan naman ni Cardinal Tagle ang lahat na bahagi ng ating pagsunod kay Hesu Kristo ay pagtulong sa kapwa at pangangalaga sa kalikasan.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na ang pagkasira ng kalikasan ay pagkasira din ng ating buhay.

“Isa rin pong paala-ala sa ating lahat, lalo na po dito sa atin sa Archdiocese of Manila na naghahanda po tayo ng pagdiriwang ng “Season of Creation” at ang atin po “Laudato Si” conference of spirituality, paala-ala po na bahagi ng ating pagsunod kay HesuKristo bukod sa pag-aaral ng Salita ng Diyos, pagdalo sa panalangin at Sakramento, ang pagtulong sa kapwa ay ang pangangalaga, wastong pamamahala ng kalikasan. Sapagkat ang pagkasira ng kalikasan umuuwi rin sa pagkasira ng ating buhay. Kaya po ngayon kita natin dito, dumaan lang po ako sa Roxas Boulevard, ang tone-toneladang basura na ibinalik ng dagat dito sa lupa para bagang sinasabi nung dagat; di naman akin iyan nilagay mo dito sa akin, ayan binabalik ko sa inyo. Kaya yung sinasabi ni Pope Francis na kaisipan at kulturang tapon ng tapon at ang pinagtatapunan parang patapon na rin, wala tayong pasintabi, wala na tayong paggalang. Ito minsan tayo rin ang unang napipinasala ng kapinsalaan dulot din sa ating common home, sa ating iisang planeta, sa ating iisang tirahan. Kaya po bahagi nito panawagan, huwag na po tayong makadagdag sa ikasisira ng ating kalikasan.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Ipinagdarasal ng Kardinal sa Panginoon na protektahan ang mga tao laban sa karahasan ng kalikasan.

“Mapagmahal na Diyos kinikilala ka namin bilang pinagmulan ng buhay ng kalikasan at ng lahat ng mabubuting bagay. Naniniwala rin po kami na nasa iyong mga kamay ang takbo ng panahon, ng ihip ng hangin, ulan, dagat at ng iba pang mga puwersa sa kalikasan. Protektahan nyo po ang mga tao lalo na ang mga dukha at walang kalaban-laban, laban po dito sa karahasan ng kalikasan. Humihingi rin po kami ng kapatawaran sa mg kalabisan namin na nakasisira sa kalikasan at sa kapwa tao. Sana po ang aming puso at mapuno rin ng pagkalinga sa kalikasan at sa kapwa tao. Hinihiling po naming ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon, Amen.” panalangin ni Cardinal Tagle.

Naunang humingi ng saklolo sa Simbahan si Rev. Fr. Rey Hector Paglinawan, Parish Priest – Most Holy Redeemer Parish Church – Masambong, Q.C. para sa evacuees.

Nanawagan din ng tulong Social Action Center ng Diocese of Kalookan at Antipolo para sa libu-libong residente na binaha at nanunuluyan sa mga evacuation centers.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 2,860 total views

 2,860 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 18,846 total views

 18,846 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 26,891 total views

 26,891 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 31,971 total views

 31,971 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,677 total views

 37,677 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Arnel Pelaco

“Magpakatotoo: Magpakatao at Makipagkapwa-tao.”

 1,100 total views

 1,100 total views Ito ang hamon ni Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization bilang guest speaker sa Ateneo de Manila University college at graduate school class of 2024 noong ika-21 ng Hunyo 2024. Sa nasabing 2024 University commencement, ginawaran si Cardinal Tagle ng degree of Doctor of Philosophy, honoris causa. Sinabi ng

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mapayapang Ecumenical engagement sa ibang Denominasyon patuloy na isinasagawa ng Simbahan

 14,399 total views

 14,399 total views Naging maayos ang “ecumenical engagement” sa pagitan ng Ministry of Ecumenical and Interfaith Affairs ng Archdiocese of Manila at North American Old Roman Catholic Church (N-A-O-C-C) sa Villa San Miguel, Mandaluyong city noong September 14, 2023. Isinagawa ang peaceful dialogue sa pagitan ng Roman Catholic Church at NAOCC upang maayos ang hindi pagkakaunawaan

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Simultaneous outreach programs, isinagawa ng Diocese of Cubao

 14,799 total views

 14,799 total views Nagsagawa ng simultaneous outreach programs ang 46 Parishes ng Diocese of Cubao ngayong August 26, 2023 bilang bahagi ng ika 20 taong anibersaryo ng diyosesis. Ayon sa liham ni Bishop Ongtioco, layunin nito na iparamdam sa mga mananampalataya lalo na sa mga mahihirap na parishioner na ang diyosesis ay nakikiisa at dumaramay sa

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

P1M halaga ng shabu nakumpiska ng BOC

 14,316 total views

 14,316 total views Naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang pagpasok sa bansa ng isang bagahe na may lamang P1.055 milyong halaga ng shabu. Ayon sa BOC ang idineklarang chocolate package ay nakitaan ng kahina-hinalang laman ng idaan sa x-ray inspection. Nakita sa loob ang isang pack ng Nerds gummies na mayroong isang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mayorya ng mga mananampalatayang Katoliko ang tumutupad sa kanilang holy week obligations

 14,947 total views

 14,947 total views Ito ang lumabas sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) mula ika-22 ng Pebrero 2023 hanggang a-1 ng Abril 2023 sa may 1,200 respondents nationwide na mayroong +/-3 margin of error. Base sa Veritas Truth Survey (VTS), 58-porsiyento ng 1,200 respondents ang nagsabing hindi sila nahihirapang tumutupad sa kanilang holy week obligations. Ayon sa

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Caritas Philippines, magtatayo ng Advocacy ministry sa lahat ng parokya

 6,048 total views

 6,048 total views Magtatatag ang NASSA/Caritas Philippines ng tatlong (3) advocacy ministry na tutugon sa pangangailangan ng mahihirap at vulnerable na sektor ng pamayananan sa Pilipinas. Sa katatapos na 5-araw na 40th National Social Action General Assembly o NASAGA na isinagawa sa General Santos City ay kinilala ng 204 na social action workers na kinabibilangan ng

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

NTC, ITINANGHAL NA 2021 FOI CHAMPION

 3,149 total views

 3,149 total views Sa katatapos na 2021 Freedom of Information (FOI) Awards ceremony, iginawad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pamamagitan ng Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO) sa National Telecommunications Commission (NTC) ang FOI Champion Award sa Agencies, Bureaus, Councils and Commissions sa National Government Agency (NGA) category. Dinaig ng NTC ang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mass for Frontliners, pangungunahan ni Cardinal Advincula

 3,104 total views

 3,104 total views Pangungunahan ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang “mass for frontliners”. Ang “mass for frontliners” ay alay ng Simbahang Katolika sa mga healthcare worker o medical frontliners na itinuturing na national heroes o pambansang bayani sa gitna ng nararanasang COVID 19 pandemic hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

“1GODLY Vote”, ilulunsad ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication

 3,026 total views

 3,026 total views Ang Diyos ay bahagi ng ating buhay. Marapat lamang na dalhin ang Diyos sa lahat ng larangan at bawat gawain ng tao. Ito ang misyon ng itinatag na programa ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication na binubuo ng Radyo Veritas846, TV Maria at Archdiocesan Office of Communications na “1GODLY VOTE” na

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Hindi maayos na sound system, pangunahing problema sa banal na misa

 3,045 total views

 3,045 total views Ito ang lumabas sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) noong ika-31 ng Marso hanggang ika-30 ng Abril 2021. Base sa V-T-S, nais din ng 24-percent ng 1,200 respondents nationwide na maging maayos ang mga “Choir” at magandang song selection sa mga isinagawang banal na misa. Nais naman ng 20-percent ng respondents ng magandang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Bloody Sunday assualt, kinondena ng Caritas Philippines

 3,037 total views

 3,037 total views Kinondena ng Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace/ Caritas Philippines ang “Bloody Sunday” assualt ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) laban sa mga civil rights sa apat na karatig lalawigan ng Metro Manila noong ika-7 ng Marso, 2021. Statement:

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

UST Public Affairs director, namatay sa heart attack

 3,050 total views

 3,050 total views Pumanaw na ang itinuturing na “best Ambassador” ng University of Sto.Tomas sa edad na 62-taong gulang. Sa isang Facebook post, inihayag ng U-S-T na si Associate Profesor Giovanna Villarama-Fontanilla ay naging mukha at boses ng unibersidad sa general public. Inihayag ng U-S-T na si Prof. Fontanilla, director ng Public Affairs Office ng UST

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Digital technology,lifeline ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting balita

 3,001 total views

 3,001 total views Itinuturing ng isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na naging platform ng Simbahang Katolika ang “digital technology” sa pagpapalaganap ng mabuting balita (Good news) sa mga mananampalataya sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic. Inihayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng C-B-C-P na sa kasalukuyan ay nata-transform ang digital

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mananampalataya, inaanyayahan sa online advent recollection

 3,039 total views

 3,039 total views Magsasagawa ang Diocese of Cubao ng Online Advent Recollection sa pangunguna ng Lay Formation Ministry at Social Communications Ministry ngayong ika-5 ng Disyembre alas otso ng umaga. Tema sa isasagawang recollection ang “Santatlo ng Cubao: Nagsusulong sa Pakikipag-isa, Misyon at Pagbabalik-loob tungo sa ika-500 taon ng Kristiyamismo sa Pilipinas.” Layunin nitong ihanda ang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Caritas Philippines, umaapela sa mamamayan na makiisa sa Alay Kapwa Sunday special collection

 3,738 total views

 3,738 total views Kabayan mahal natin, tulong tayo! Umaapela ang CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa sambayanang Filipino na makiisa sa nararanasang pagdurusa at tulungan ang mga sinalanta ng magkasunod na bagyo sa bansa. Sa ipinadalang apela ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa Radio Veritas, ipinaalala nito na higit na kailangan ang sama-samang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top