Caritas Manila, nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa mamamayan ng Ukraine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,225 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Caritas Manila sa social arm ng Simbahang Katolika sa Ukraine.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, malinaw na walang nagtatagumpay sa digmaan at tanging nagiging resulta nito ay kapahamakan at paghihirap para sa mga mamamayan ng hindi nagkakasundong lider ng mga bansa.

Ito ay matapos na maglabas ng video ang Caritas Internationalis kung saan inilahad ng kinatawan ng Caritas Ukraine ang sitwasyon sa kanilang bansa lalo na ng kanilang mga kababayan na apektado ng digmaan.

Naniniwala si Fr. Pascual sa kahalagahan ng mapayapang dayalago at hangarin ng pagkakasundo sapagkat walang nalulutas ang karahasan.
“Ang Caritas Manila ay kaisa ng Caritas Ukraine sa digmaan na nagaganap sa kanilang bansa sa kasalukuyan. Ang hindi pagkakaunawaan ay hindi nalulutas ng karahasan. Walang tagumpay sa tuwing may digmaan. Lahat ay talo, Diyalogo at pakikinig na may hangaring magkasund ang dapat pairalin.”pahayag ni Fr.Pascual sa Radio Veritas

Ika-24 ng Pebrero taong kasalukuyan ng magdeklara ng digmaan ang Russia laban sa Ukraine na nagresulta sa pagkawala ng maraming buhay at pagkasira ng mga establisyemento sa bansa.

Umaapela din ng panalangin si Fr. Pascual para sa mga apektado ng digmaan at maging sa mga nagsusumikap na gumawa ng humanitarian efforts sa kabila ng kaguluhan doon.

“Itigil na ang digmaan at mag-usap upang magkasundo, ipinagdasal natin ang bansang Ukraine [sapagkat] walang imposible sa Diyos.” Pahayag pa ni Fr. Pascual na siyang Pangulo din ng Radyo Veritas 846.

Unang nanawagan ang Santo Papa Francisco para sa kapayapaan at tigil putukan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Nagkaisa na rin ang mga bansang kasapi ng United Nations sa panawagan ng Russian troops fullout sa Ukraine na ipinagkibit-balikat lamang ni Russian President Vladimir Putin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 52,432 total views

 52,432 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 82,655 total views

 82,655 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 109,306 total views

 109,306 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 204,279 total views

 204,279 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 221,972 total views

 221,972 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 89,255 total views

 89,255 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top