Tulong sa mga nasunugan sa Baseco Tondo Manila, inihahanda na ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 675 total views

Inihahanda na ng Caritas Manila at Sto Niño De Baseco Parish ang tulong para sa mga naapektuhan ng sunog, umaga ng ika-4 ng Marso taong 2022 sa Baseco Tondo Manila.

Ayon kay Bonna Bello, kinatawan ng Sto. Niño De Baseco Parish, bagamat maagap na naapula ang apoy ay ilang kabahayan ang nasunog.

Umabot aniya sa ikalawang alarma ang sunog at patuloy pang inaalam ang lawak ng pinsala nito sa mga residente.

“Kanina po umaga alas otso napakaaga ng sunog mna nangyari dito sa baseco lahat nagulat… Nasa second alarm lang po pero marami pa din pamilya ang naapektuhan kasi ang bahay dito sa area na nasunugan dikit-dikit at maraming nakatira.”pahayag ni Bello sa Radio Veritas

Sinabi ni Bello na nakikipag-ugnayan na ang kanilang Parokya sa ilang mga volunteers para maasikaso ang maagap na pagtugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan residente.

“Kanina umaga hanggang sa ngayon patuloy kami naka monitor sa area para sa mga affected families” dagdag pa ni Bello, kinatawan ng Caritas Manila sa lugar.

Ngayong buwan ng Marso ay ginugunita ang Fire Prevention Month ngunit kasabay nito ay ang mataas din na bilang ng mga naapektuhan ng sunog partikular sa Metro Manila.

Kumikilos na ang Caritas Manila para magsagawa ng relief operation sa mga naapektuhan ng sunog at inaasahan itong maganap sa loob ng 25 hanggang 48 na oras bilang bahagi ng Caritas Damayan Fire Response Protocol ng nasabing institusyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 52,430 total views

 52,430 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 82,653 total views

 82,653 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 109,304 total views

 109,304 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 204,277 total views

 204,277 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 221,970 total views

 221,970 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 89,254 total views

 89,254 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top