Online sabong, siyasatin ng mabuti

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 958 total reads

Iwaksi ang pagsusugal.

Ito ang mensahe ni Novaliches Bishop Roberto Gaa sa mga nalululong sa pagsusugal at sa usapin ng pagkawala ng may 34-indibidwal na iniuugnay ng mga pulis sa Online-Sabong (E-Sabong).

“Magandang tignan natin itong E-sabong, itong mga online na sugal magandang siyasatin ng mabuti: ano nga ba ang dulot nito sa atin? kung ito naman ay magdudulot lamang ng pinsala ay mabuting itigil na po natin ito. Kasi hindi nagbunga parang di naman nagbubunga ng mabuti tignan po natin, siyasatin po natin ng mabuti kung ito nga ba talaga ay nakabubuti sa atin” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Obispo.

Nanawagan ni Bishop Gaa sa mamamayan na dapat siyasatin at itigil ang pagsusugal higit na kung nagdudulot na ito ng pagkabaon sa utang at inilalagay sa panganib ang kanilang buhay.

“kung ito ay nagdadala sa pagkabaon sa utang, kapinsalaan din kasi nanganganib ang kanilang buhay kasi hindi naman sila makabayad ng utang, Ito’y masyado nang- parang nakakapeligro na siya ng buhay, nakakapeligro narin siya ng mga pagpapahalaga natin sa buhay” pagpapabatid pa ng Obispo.

Kaugnay nito, sa pagdaraos ng Senate hearing ay nagkasundo ang 24-senador na isulong ang resolusyon na naglalayong suspindihin ang operasyon ng pitong E-sabong operators habang idinadaos ang mga pagdinig sa kaso ng mga nawawalang indibidwal.

Tanging lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte at opisyal na desisyon mula sa Philippine Amusement And Gaming Corporation ang hinihintay bago maging opisyal ang suspensyon.

Patuloy rin ang pagdalo ng mga itinuturo at sangkot na personalidad, businessmen at indibidwal sa mga Senate Hearing ng mga nawawalang tao at mga kinakaharap na kaso ng E-sabong industry.

Unang nanindigan Ang Catholics Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) laban sa pagpapahintulot ng kasalukuyang administrasyon sa operasyon ng mga casino at iba pang pasugalan sa bansa dahil tanging pagkalulong, karahasan at kasalanan lamang ang idinudulot nito sa lipunan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 6,000 total reads

 6,000 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 6,147 total reads

 6,147 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 20,443 total reads

 20,443 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 143,057 total reads

 143,057 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 193,421 total reads

 193,421 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 320,479 total reads

 320,479 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 405,029 total reads

 405,029 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 6,148 total reads

 6,148 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top