Caritas Manila, nakipag-partner sa business sector na tugunan ang mataas na hunger rate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 669 total reads

September 14, 2020-1:22pm

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Caritas Manila sa mga non-governmental organizations at mga negosyante dulot na rin ng tumataas na bilang ng mga nagugutom na pamilya sanhi ng patuloy na banta ng pandemya sa Pilipinas.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila, bukod sa pagtaas ng ‘hunger rate’ ay ang pagtaas din ng bilang ng malnutrisyon lalu sa mga kabataan.

“Dapat bigyan ng suporta ang mga mahihirap sapagkat sila ang direktang naapektuhan ng quarantine. We have to level up our nutrition program. We are trying to revise our food banking program para ma-address itong hunger,” ayon kay Fr. Pascual sa panayam ng Barangay Simbayanan.

Base sa pag-aaral ng Social Weather Station, may 5.2 milyon ng pamilya ang nakakaranas ng kagutuman simula pa noong Abril ang pinakamataas na naitala simula 2014 na dulot na rin ng pandemya.

“Tumaas ang hunger rate, at ang kapatid niyan ay malnutrition sa mga kabataan ng five million families according to the latest SWS survey. Kaya nakipag meeting ako sa business sector [on] how we can support the government dito sa matinding economic crisis na kaakibat ng health crisis,” ayon pa kay Fr. Pascua.

Ayon kay Fr. Pascual patuloy ang pakikipag-ugnayan ng simbahan sa iba’t ibang sektor upang magkatuwang na bigyang tugon ang lumalalang sitwasyon sa Pilipinas kaakibat na rin ng pandemya.

Hiling din ng pari sa pamahalaan kaugnay sa pagpapatuloy ng lockdown na maglaan ng tulong lalu na sa pinakaapektadong mamamayan na walang pagkakakitaaan.

Ilan pa sa mga programang isinagawa ng simbahan ang Hapagasa feeding program, at ang inilunsad na urban gardening o Gen129 na humihikayat sa bawat pamilya at pamayanan na magtanim ng mga gulay at prutas sa bakuran.

Ito ay isang tugon sa ‘food security’ na hindi lamang mura at masustansya ay makakatulong din ito sa immune system bilang pananggalang sa Covid-19.

Caritas Ligtas Covid-19 Campaign

Umaabot na sa 9.4 na milyong indibidwal o 1.8 milyong pamilya ang nabigyang ng tulong ng Caritas Manila simula nang ipatupad sa bansa ang iba’t ibang community quarantine dulot ng pandemic novel coronavirus.

Ayon sa ulat ng social arm ng Archdiocese of Manila, higit sa P1.6 bilyon na ang nakalap na donasyon ng Caritas Manila simula noong Marso nang ilunsad ang Ligtas Covid-19 Campaign.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring tumatanggap ng donasyon ang Caritas Manila lalu’t patuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mamamayan na higit na naapektuhan ng pandemya kabilang ang transport sector o mga tsuper ng jeep na anim na buwan ng hindi nakakapamasada.

Kabilang sa mga naging benepisyaryo ng Caritas Manila ang mga pamayanan sa Metro Manila at 34 na diyosesisis sa buong bansa.

Bukod pa ito sa may limang libong college scholar’s ng Caritas Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) kung saan kabilang sa mga benepisyaryo ang mga anak ng jeepney drivers.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 50,728 total reads

 50,728 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 99,752 total reads

 99,752 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 220,331 total reads

 220,331 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 270,689 total reads

 270,689 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 395,921 total reads

 395,921 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 50,731 total reads

 50,731 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »
Scroll to Top