Cardinal Tagle, positibo sa Covid-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 502 total reads

 Hinihikayat ang mga mananampalatayang Filipino na ipanalangin ang dagliang paggaling at kaligtasan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Cardinal Tagle-ang Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples’.

Si Cardinal Tagle ang dating arsobispo ng Maynila ay nagpositibo sa Covid-19 sa kaniyang pagdating sa Pilipinas nang sumailalim sa pagsusuri (Sept.10 oras sa Roma) ayon na rin sa kumpirmasyon ni Matteo Bruni ng Vatican Press Office.

Tiniyak naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang panalangin para sa kagalingan ni Cardinal Tagle. Si Bishop Santos ay ang kasalukuyang chairman ng CBCP-Pontificio Collegio Filipino.

“Let’s join together our hands in prayers to our almighty God for our beloved Cardinal Luis Antonio Tagle for his swift recovery. We humbly beg our dear God to help, to heal our Cardinal, as we offer Holy Masses for him,” ayon kay Bishop Santos. Ang Pontificio Collegio Filipino (PFC) sa Vatican ang tinutuluyan ni Cardinal Tagle kasama ang mga Filipinong pari na nag-aaral sa Roma.

Ayon pa kay Bruni, una na ring sumailalim sa swab test si Cardinal Tagle bago pa man ito umalis ng Roma (Sept.7) kung saan siya nakabase na may negatibong resulta.

Si Cardinal Tagle ay nagtungo sa Roma noong Pebrero, makaraan itong italaga ng Santo Papa Francisco sa isa sa pinakamataas na tanggapan ng simbahan. Bukod kay Cardinal Tagle, tatlo pang obispo ang nagpositibo sa Covid-19 kabilang na si Kalookan Bishop-emeritus Deogratias Iniguez, Manila Apostolic Administrator Broderick Pabillo at Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz. Si Archbishop Cruz ay pumanaw noong August 26 dahil na rin ng kumplikasyon dulot ng Covid-19.

 

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,462 total reads

 3,462 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,343 total reads

 5,343 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 14,020 total reads

 14,020 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 51,398 total reads

 51,398 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 82,669 total reads

 82,669 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 159,310 total reads

 159,310 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,873 total reads

 252,873 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,344 total reads

 5,344 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top