Krus, simbolo ng tagumpay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,324 total reads

Ibinahagi ng opisyal ng Commission on Clergy ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na sa pagtanggap ni Hesus sa krus ay napagtagumpayan nito ang kasalanan ng sanlibutan at nailigtas ang sangkatauhan.

Sa pagninilay ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, ang chairman ng komisyon, sa kapistahan ng pagtatampok sa kabanal-banalang krus ni Hesus, ipinaliwanag nitong marami sa mamamayan ang nagkakasala dahil ayaw mahirapan sa mga hamong kinakaharap sa buhay.

Ngunit sa pamamagitan ng krus ni Hesus ay nakamit ng sanlibutan ang buhay na walang hanggan.

“Niyakap ni Hesus ang krus at dinanas ang pait ng kasalanan habang nananatiling tapat sa Ama. Sa ganung paraan nalupig niya ang kasalanan at kamatayan at binuksan sa atin ang kaluwalhatiang walang hanggan,” pahayag ni Bishop Famadico sa Radio Veritas.

Paanyaya naman ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto sa mananampalataya na pagnilayan ang pagwawagi ni Hesus sa krus sapagkat ito ang instrumento ng kaligtasan ng bawat tao sa mundo mula sa dilim ng kasalanan.

Sinabi ng Obispo na lalo na sa gitna ng krisis na naranasan ng daigdig dulot ng corona virus pandemic kung saan marami sa mamamayan ang nakararanas ng hirap at unti-unting nawawalan ng pag-asa.

“Ang krus ang sagisag ng ating pananampalataya sapagkat dito ay nagkakaroon tayo ng kaligtasan, tumitibay ang ating pananampalataya at ang ating pagharap sa iba’t ibang hamon ng buhay,” saad ni Bishop Presto.

Inihayag ng obispo na sa pagtingala sa krus ni Hesus nawa’y magkaroon ng pag-asa ang bawat isa lalo’t higit ang mahihinang sektor ng lipunan na lubos naapektuhan ng krisis partikular ang mga nawalan ng kabuhayan at mga nabiktima ng COVID-19 na umabot na sa 300-libo.

Inihayag naman ni Batanes Bishop Danilo Ulep na ang kuwento ng krus ang saksi sa paghihirap at pagpapakasakit ni Hesus upang tubusin ang tao mula sa kasalanan kaya’t ito rin ang simbolo ng tagumpay.

“In the life of Christ, He suffered and carried that cross and died on that cross, but it was turn into a symbol of victory from a symbol of shame and cruelty,” ani Bishop Ulep sa Radio Veritas.

Hinihinimok ng mga lingkod ng Simbahan ang mahigit 80 porsyentong Katoliko sa bansa na patuloy magpasalamat sa Diyos sa bawat handog at biyayang kaloob sa gitna ng mga hamon at pagsubok na kinakaharap sa buhay.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,564 total reads

 2,564 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,512 total reads

 4,512 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,812 total reads

 12,812 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,190 total reads

 50,190 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,461 total reads

 81,461 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,177 total reads

 158,177 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,805 total reads

 251,805 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,565 total reads

 2,565 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top