Pangulong Duterte, hinamong bigyan ng absolute pardon ang matatandang bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total reads

Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na gamitin rin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang kapangyarihan na magkaloob ng ‘absolute pardon’ sa mga Filipinong bilanggo na karapat-dapat ng pagkalooban ng kapatawaran.

Ito ang pagninilay ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa Mabuting Balita para sa ika-24 na linggo sa karaniwang panahon kung saan nasasaad sa Mateo -kabanata 18 talata 21 hanggang 35 – ang pagkakaloob ng kapatawaran hindi lamang ng pitong ulit kundi pitumpung ulit pa nito.

Ayon sa Obispo, kung binigyan ng Pangulo ng absolute pardon si US Marine Joseph Scott Pemberton na nahatulan ng 10-taong pagkabilanggo noong Disyembre 2015 matapos patayin ang transgender na si Jennifer Laude ay dapat ding itong gamitin para sa mga Filipinong bilanggo.

Sinabi ni Bishop Pabillo na isa rin itong paraan upang mapaluwag o ma-decongest ang mga bilangguan sa bansa.

“Ang Presidente ng bansa ay mayroon ngang karapatan at kapangyarihan na magbigay ng absolute pardon, he exercise this power to Pemberton and also to other prisoners, pero ang daming mga Filipino sa mga bilanguan natin na natutulog ang mga kaso nila, bakit hindi gamitin ang prerogative na ito na magpatawad para bigyan ng pag-asa ang mga bilanggo at ma-decongest pa ang ating mga bilangguan na punong-puno, umaapaw pa beyond their natural capacity.”pagninilay ni Bishop Broderick Pabillo sa Healing Mass sa Radio Veritas.

Iginiit ng Obispo na maraming matatandang may sakit at matagal ng bilanggo ang napapabayaan sa loob ng mga bilangguan na nangangailangan ng kapatawaran at awa tulad ng ipinagkaloob ng Pangulo kay Pemberton.

Binigyang diin rin ni Bishop Pabillo na dapat na maging patas at makatarungan ang pagkakaloob ng pangalawang pagkakataon sa lahat ng mga bilanggo na pawang nagkasala at pinagbabayaran na ang nagawang kasalanan.

Ibinahagi ng Obispo na ang usapin ng pagpapatawad ay hindi lamang usapin ng relasyon sa kapwa at sa Panginoon kundi kinakailangan ring tingnan ang kalagayan ng lipunan o ng pangkalahatan.

“Maraming napapabayaan sa mga bilangguan na matatanda na at mga may sakit pa, should not be pity shown to them? If really there is such a virtue of forgiveness in our government, why not exercise this for so many who are languishing in our jails, so many Filipinos. So as we can see ang usapin ng pagpapatawad ay hindi lang usapin ng relasyon natin sa Diyos at relasyon natin sa kapwa ito ay usapin din sa kalagayan ng lipunan.”Dagdag pa ni Bishop Pabillo.
Matatandaang taong 2014 ng hinatulang nagkasala ng homicide si Pemberton matapos mapatay si Laude.

Sa tala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) aabot na sa mahigit 100,000 ang bilang ng mga bilango sa higit 400 kulungan sa bansa na nakalaan lamang para sa 26,000 inmates.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang mga presinto at piitan ay hindi dapat na magsilbing tapunan o lagakan ng mga nagkamaling indibidwal sa halip ay lugar kung saan muling maiaangat ang kanilang dignidad at kalagayan para sa muling pagbabalik ng kabutihan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 51,273 total reads

 51,273 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 100,532 total reads

 100,532 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 221,111 total reads

 221,111 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 271,469 total reads

 271,469 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 396,660 total reads

 396,660 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top