Mabilis na paggaling ni Cardinal Tagle, panalangin ng AMRSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total reads

Manila, Philippines– Nagpaabot ng panalangin ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) para sa Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle ang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples matapos na magpositibo sa COVID-19 pagbalik ng Pilipinas.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Father Angel Cortez, OFM patuloy na ipinapanalangin ng mga relihiyoso at relihiyosa ang mabilis na paggaling ng lahat ng mga nahawaan ng COVID-19 kabilang na ang dating Arsobispo ng Maynila.

Tiwala ang Pari na maging mabilis ang paggaling ng Cardinal upang maipagpatuloy nito ang kanyang mga tungkulin at misyong dapat na gampanan.

Nilinaw ni Fr. Corte na sa gitna ng pandemic COVID-19 ay higit na kinakailangan ng mananamapalataya ang mga lingkod ng Simbahan na nagsusumikap maipadama ang habag at awa ng Diyos sa bawat isa tulad ng Kanyang Kabunyian Cardinal Tagle.

“Isang maalab na pagbati sa ating mahal na Cardinal, sa gitna ng krisis na ating kinahaharap kailangan natin ng mga taong katulad nya upang tayoy pagbuklurin. Baunin niya ang ating dasal at pagmamahal. Hangad natin ang kanyang mabilis na pagaling at lakas ng katawan upang muli sya makabawi at makabalik sa kanyang misyon. Hangad din natin ang pagaling ng libo-libo nating mga kababayan. Huwag tayong matakot, hindi tayo pababayaan ng Diyos!”pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radio Veritas.

Ika-11 ng Setyembre araw sa Vatican ay kinumpirma ng Holy See Press Office ang pagpopositibo at pagiging asymptomatic sa COVID-19 ni Cardinal Tagle matapos na dumating sa Pilipinas.

Umapela rin si CBCP Acting President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na isama sa mga panalangin at mass intentions ang mabilis na paggaling ni Cardinal Tagle na umuwi ng bansa para sa kanyang late summer break mula sa kanyang mga tungkulin sa Vatican.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 63,790 total reads

 63,790 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 159,717 total reads

 159,717 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 203,985 total reads

 203,985 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 227,094 total reads

 227,094 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 299,442 total reads

 299,442 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top