Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, pinasaya ang mga apektado ng baha sa Pampanga

SHARE THE TRUTH

 237 total views

Ikinagalak ng Archdiocese of San Fernando sa Pampanga ang pagbabahagi ng Caritas Manila ng mga relief goods para sa mga residente ng San Matias Apostoles Parish na nasalanta ng habagat.

Labis ang pasasalamat ni Rev.Father Robert Feliciano, kura-paroko ng nasabing parokya, sa pagtugon ng ginawa ng Social Arm ng Archdiocese of Manila sapagkat naiparamdam nito ang pagmamahal ng Simbahan sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Inamin ni Father Feliciano na sa konting tulong na naibahagi ng Caritas Manila ay kasiyahan ang idinulot nito sa mga residente.

“Kami po ay nagpapasalamat sa inyo mahal na Kardinal [Luis Antonio Tagle]at sa bumubuo ng Caritas Manila dahil sa malaking tulong na binigay nyo. “Yung walang sawang pagtulong sa mga pilipino lalo na sa mga naapektuhan ng ulan o ano mang kalamidad sa tulong po ninyong ito napasaya nyo ang mga parokyano,” pahayag ni Father Feliciano sa panayam ng Radio Veritas.

Aabot sa mahigit 500 relief goods ang ipinamahagi ng Caritas Manila sa parokya ng San Matias Apostoles habang nagbigay din ito ng 300 Hygiene kits at mga gamot sa mga apektado ng pagbaha.

Sa datos ng NDRRMC aabot sa mahigit 150 libong indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng habagat nitong nakalipas na linggo sa Luzon region.

Bukod sa Caritas Manila, tumugon din ang Simbahan ng Quiapo sa mga nasalanta ng baha sa lalawigan ng Pampanga kung saan 600 na relief goods ang ipinamahagi nito sa bayan ng Sasmuan at Apalit.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 2,298 total views

 2,298 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 15,040 total views

 15,040 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 34,964 total views

 34,964 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 40,978 total views

 40,978 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 49,271 total views

 49,271 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 22,140 total views

 22,140 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top