Caritas Network nakahandang mamahagi ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,139 total reads

Naka-high alert ang Caritas Manila Network kaugnay sa pananalasa ng bagyong Ulysses na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at ilang pang mga lalawigan Luzon.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila nakikipag-ugnayan na sila sa mga kura paroko mula sa 10-diyosesis na nasasakop ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Sinabi ni Fr. Pascual, ilang mga Parokya na rin ang nagsilbing evacuation centers ng mga residenteng binaha dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan. Tiniyak naman ng pari na naghahanda na ang Caritas Manila para sa pagsasagawa ng relief operation sa mga binaha.

“Tayo ay naka handang tumulong in terms of relief operations sa mga affected areas natin. Mga pagkain, gamot, damit, mga tulugan at mga tent para matuluyan ng mga mahihirap na kailangan ilikas sa mga flooded areas,” ayon kay Fr. Pascual.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang Caritas Manila ng relief operations sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly na unang nanalasa sa bansa noong Todos Los Santos.

Bukod sa pamamahagi ng relief goods, kabilang din sa isinasaayos ng social arm ng simbahan ang rehabilitasyon sa ilang mga nasirang mga bahay dulot ng malakas na bagyo.

“Pinaplano ng Caritas Manila ang rehabilitation sa pamamagitan ng housing materials, meron din tayong budget na P5,000 per home. Sa Catanduanes palang sabi ng ng Gobyerno nasa 10,000 na tahanan ng mga mahihirap nating Fisher Folks ang tinamaan. Atleast makatulong tayo ng atleast 1,000 to 2,000 homes ang ating ma-assist,” ayon pa sa pari.

Una na ring nagbigay ng inisyal na isang milyong pisong tulong ang Caritas Manila sa limang diyosesis na labis na naapektuhan ng bagyong Rolly kabilang na sa diyosesis ng Gumaca, Daet, Legazpi, Caceres at Virac. Anim na milyong piso naman ang nalikom sa Caritas Manila sa isinagawang Oplan Damayan Telethon para sa mga biktima ng bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 79,639 total reads

 79,639 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 120,199 total reads

 120,199 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 143,246 total reads

 143,246 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 191,514 total reads

 191,514 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 210,503 total reads

 210,503 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 27,715 total reads

 27,715 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top