Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, magtatayo ng Advocacy ministry sa lahat ng parokya

SHARE THE TRUTH

 10,845 total views

Magtatatag ang NASSA/Caritas Philippines ng tatlong (3) advocacy ministry na tutugon sa pangangailangan ng mahihirap at vulnerable na sektor ng pamayananan sa Pilipinas.

Sa katatapos na 5-araw na 40th National Social Action General Assembly o NASAGA na isinagawa sa General Santos City ay kinilala ng 204 na social action workers na kinabibilangan ng mga Pari, Madre at layko ang napakalaking sektor ng lipunan na nangangailangan ng tulong, kalinga at gabay ng simbahan.

Napagkasunduan sa 40th NASAGA ang pagbuo at pagtatayo ng 86 Arkidiyosesis, Diyosesis, Bikaryato, Prelatura kabilang ang Military Ordinariate of the Philippines (MOP) ng Good Governance Ministry o Good Governance Movement, Justice and Peace Ministry at Ecology o Environmental Ministry.

Ayon kay NASSA/Caritas Philippines National Director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na layon ng Ecology ministry na lumikha ng mga programang programang makatutulong para sa pangangalaga ng kalikasan, pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap, at pagkakaroon ng maayos na pamahalaan.

Tinukoy ni Bishop Bagaforo ang agaran at nagkakaisang pagkilos ng mga Social Action Centers na tugunan ang epekto ng climate change o climate crisis hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Nababahala din ang maraming Social Action Center sa panganib na idudulot ng open-pit mining, black sand mining, pagtatayo ng coal fired-powered plant,illegal logging at kawalang pagpapahalaga sa kalikasan na taliwas sa itinuturo ng ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Pagtutuunan din ng Caritas Philippines ang programa para sa “good governance” upang masubaybayan ng simbahan ang pagkilos ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas at panuntunan para sa ikabubuti ng nakararami.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na ito ay panawagan ng CBCP upang ang pakikilahok ng simbahan sa usaping pulitika ay hindi lamang nagtatapos sa eleksyon.

“Importante ‘yung accountability at tsaka monitoring program na gagawin natin kasama ang mga social action directors na what we have in the Philippines at mamamayan.” paliwanag ni Bishop Bagaforo.

Tututukan din ng NASSA/Caritas Philippines ang pagtugon sa problema ng mahihirap na mamamayan at mga katutubo sa pagkamit ng hustisya at katarungan.

Magiging aktibo din ang iba’t-ibang social action centers sa pakikibahagi sa mga isasagawang peace talks o usapang pangkapayapaan upang matamasa ang kapayapaan at kaunlaran.

Tiniyak ni Bishop Bagaforo sa sambayanang Filipino ang pangako ng Simbahan na “Leave No One Behind”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 1,601 total views

 1,601 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 14,343 total views

 14,343 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 34,267 total views

 34,267 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 40,294 total views

 40,294 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 48,643 total views

 48,643 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Latest News
Arnel Pelaco

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 5,318 total views

 5,318 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top