Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Catholic virtues, paiigtingin ng Pasig Catholic College

SHARE THE TRUTH

 23,346 total views

Tiniyak ng Diocese of Pasig ang pagpapaigting sa paghuhubog ng mga kabataan sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon.

Ito ang pahayag ni Bishop Mylo Hubert Vergara sa 111th founding anniversary ng Pasig Catholic College kung saan binibigyang diin ang pagpapatatag sa catholic education.

“Ang commitment ng Diocese [Pasig] ay lalong patatagin yung Catholic Education Program lalo na ang ating Christian living na subjects. Yung secular education walang tinatawag na paghuhubog tungkol sa faith kaya napakahalaga ng Catholicity ng ating mga parochial schools, catholic schools and universities,” pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.

Iginiit ng obispo na siya ring chairman ng Board of Trustees ng institusyon na mahalagang mabigyang panahon ang pagtuturo sa kabataan hinggil sa pananampalataya upang mahubog ang Catholic values ng mga estudyante gayundin ang kanilang spiritual life at religiousity.

Hango sa tema ng pagdiriwang na ‘Enlarging our tents: Walking together to do justice, and to love goodness, and to walk humbly with your God’ sinabi ni PCC President Fr. Daniel Estacio na palalawakin ang hamong kalingain ang pamayanan lalo na ang sektor ng mga maralita.

Tinukoy ng pari ang adopted community na Pamayanan ng Sta. Rosa kung saan ito ang magiging daan upang isakatuparan ang misyong ‘enlarging our tent.’

“Ang hamon ng Pasig Catholic College to continue to enlarge our tent, to enlarge our hearts specially sa mga poor, sa mga nangangailangan lalo na ngayon na we have an adopted community yung Pamayanan ng Sta. Rosa so we can channel the help, the assistance to that community so that we can journey witht them to bring them closer to the Lord as we serve them,” ani Fr. Estacio.

Ibinahagi rin ng pari ang pagtutulungan ng PCC at lokal na pamahalaan ng Pasig sa pangunguna nina Mayor Vico Sotto at Vice Mayor Robert Jaworski Jr. sa PAGASA scholarship program kung saan may 1, 000 kabataan ng Pasig ang maaring makinabang kada taon.

“Inaanyayahan po namin ang mga taga Pasig to avail that quality Catholic education na ibinibigay ng paaralan sa tulong ng local government of Pasig in terms of scholarship program,” giit ng pari.

Inaanyayahan din ni College Dean Ms. Leonora Fernandez ang mga papasok sa kolehiyo na mag-enroll sa PCC lalo’t sa loob ng pitong dekada ng kolehiyo ay matagumpay na sa iba’t ibang larangan ang mga indibidwal na nagsitapos dito.

Kabilang sa mga kursong maaring kunin ng mga mag-aaral ang Education, AB Communication & Journalism, Psychology, Accountancy, Business Administration, Entreprenuership, at Information Technology gayundin ang Graduate Studies ng Education at caregiving programs.

“So, we are really inviting the students those who are going to college, chose our very own Pasig Catholic College. Eversince PCC especially the College Department is really offering good quality Catholic education,” ani Fernandez.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang enrollment sa kolehiyo kaya’t maaring makipag-ugnayan sa (02) 8642-7541, sa 0923 949 4124 o bisitahin ang kanilang website para sa online enrollment sa www.pasigcatholic.edu.ph.

Batay sa kasaysayan itinatag ang PCC ni Fr. Pierre Cornelis de Brouwer, CICM noong 1913 upang mapalawak ang misyon ng CICM missionaries sa pagtuturo sa mga kabataan sa pag-ibig sa Panginoon gayundin ang pagpapanatili sa cultural heritage at tradisyon ng pamayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 4,077 total views

 4,077 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 15,561 total views

 15,561 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 31,250 total views

 31,250 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 32,111 total views

 32,111 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 42,169 total views

 42,169 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

 2,242 total views

 2,242 total views Mamamahayag, kinilala ng Obispo Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top