1,367 total views
Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa prayer intention ng kaniyang Kabanalang Francisco para sa unang buwan ng taon.
Ayon kay La Union Bishop Daniel Presto – Vice-chairman ng CBCP-ECCCE, mahalagang maisulong ang pagkakapatiran katulad ng panalangin ng Santo Papa upang mamamayani ang kapayapaan sa paaralan at higit na matuto ang mga mag-aaral.
“Mga minamahal na kapatid sa prayer intention ng Santo Papa na entrusted sa worldwide prayer network para ngayong buwan ng Enero 2023.Ito’y bahagi ng tinatawag na global compact on education na ini-launch ng ating Santo Papa, ano nga ba yung global compact on education? ito ay isang movement to counter the widespread educational emergency, bakit nga ba may educational emergency? dahil siguro sa mga pagkakaniya-kaniya o marahil mga ilang mga kabataan o kababaihan hindi makadalo ng klase o eskwela.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.
Tinukoy din ni Bishop Presto na mahalagang mabigyan ng sapat na atensyon ang usapin ng kapayapaan sa mga bansang nakakaranas ng karahasan hindi lamang sa seguridad kungdi pati ang diskriminasyon sa mga paaralan.
Ayon sa Obispo, kahanay din ang Monthly Prayer Intention ang pagpapatuloy sa adbokasiya ng Global Compact on Education na isulong sa pagtuturo sa mga estudyante ng kahalagahan sa pagkakaiisa at pakikipagkapwa-tao.
“Gayundin naman is to safeguard and protect our common home from exploitation of the resources. Itong panawagan ng Santo Papa ay upang magkaisa ang sambayanan at ang sangkatauhan na matuto ang mga bata’t kabataan sa eskwela hinggil sa kahalagahan ng fraternity lalo na yung attitude of inclusion sa halip na exploitation, yung attitude na pagtulong sa mga nangangailangan sa halip na pagwawalang bahala, sa pagbibigay kahalagahan sa mga bata’t kabataan sapagkat pag-asa sila ng bayan.” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.
Batay sa datos ng United Nations International Children’s Emergency Fund, aabot sa 150-milyong kabataang mag-aaral taon-taon ang nakakaranas ng karahasan o pagmamalabis sa kamay ng kapwa nila estudyate.