1,163 YSLEP scholars, nagtapos sa kolehiyo para sa school year 2025-2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,545 total reads

Iniulat ng Caritas Manila na 1,163-libong Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) scholars mula sa mahigit anim na libong mag-aaral ang nagtapos ng karera sa kolehiyo para sa school year 2025-2026.

Sa nasabing bilang ng graduates, 7 ang naging Summa Cum Laude, 92 ang Magna Cum Laude at 171 naman ang Cum Laude.

Dalawa naman sa YSLEP graduates ang nakapasok sa top 10 licensure examination sa pagiging guro at agriculturists.

Ipinaalala ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, Chairman of the Board ng Caritas Manila sa mga YSLEP graduate na ang pagiging iskolar ay hindi para sa sarili kundi pagkakataon na gamitin ang sipag,tiyaga at tapang sa pagtulong sa simbahan, pamilya at komunidad.

“Ang pagiging scholar ay hindi lamang para sa sarili, ito ay pagkakataon na gamitin ang inyong talino, sipag at tapang upang makatulong sa simbahan, komunidad at pamilya,” mensahe ni Cardinal Advincula

Inihayag naman ni Rev.Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila na ang YSLEP scholars ay hinubog na maging servant leader at maging lingkod ng panginoon.
Ayon kay Father Pascual, ito ay isang biyaya na dapat ipagpasalamat sa panginoon.

“Magpasalamat tayo sa Diyos sa biyaya ng pagtatapos muli ng another batch, batch ’25 ng Caritas Manila YSLEP – Youth Servant Leadership and Education Program, ito po ang scholarship program ng Caritas Manila na kung saan hinuhubog natin ang mga kabataan na hindi lang magtapos ng kolehiyo at TechVoch kungdi maging Servant Leaders, maging lingkod ng Panginoon, ginagabayan sila for four years na magkaroon ng personal discipline, moral integrity and social responsibility,” pahayag ni Fr.Pascual

Mayorya sa mga YSLEP scholar ay kumukuha ng kurso sa agrikultura,Education, Business Administration at Information Technology.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 64,335 total reads

 64,335 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 143,180 total reads

 143,180 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 176,625 total reads

 176,625 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,924 total reads

 211,924 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,838 total reads

 435,838 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top