Tunay na misyon ng simbahan ay higit pa sa pagtatayo ng pisikal na istraktura-Cardinal;

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,116 total views

Inihayag ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang tunay na misyon ng Simbahan ay higit pa sa pagtatayo ng pisikal na istruktura at mga gusali.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa ginanap na solemn dedication ng simbahan at altar ng St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City noong May 6, kasabay ng ika-69 na anibersaryo ng pagkakatatag ng parokya.

Sa kaniyang homiliya, binigyang-diin ng Kardinal na ang pagtatalaga ng simbahan ay hindi lamang pagbasbas sa isang gusali kundi panawagan upang higit pang buhayin ang pananampalataya at misyon ng sambayanan ng Diyos.

Ayon kay Cardinal Advincula, tulad ni San Francisco de Assisi, hinimok ang mga Simbahan sa kasalukuyan na “muling itayo” hindi lamang sa pamamagitan ng bato kundi sa pamamagitan ng pagbabagong-loob at kabanalan.

“He was not only to rebuild a structure of stone, but to renew the Church as the Body of Christ — to restore hearts, to rekindle faith, and to call people back to the Gospel. The dedication of this church is not the end of a project; it is the beginning of a mission,” ayon kay Cardinal Advincula.

Paalala ng kardinal na ang pagtalaga sa dambana ay isang tahasang mensahe ng pagmimisyon para sa bawat isa, lalo na sa mga kasapi ng komunidad na paigtingin ang misyon ng parokya.

“The true Church that Christ calls us to build is a living one, a church built of ‘living stones,’ made of people transformed by grace,” ayon sa arsobispo.

Hinimok din ng Kardinal ang pamayanan na gawing sentro ng pagmimisyon at pag-asa ang parokya ng San Francisco de Assisi lalo na sa gitna ng mabilis at maingay na pamumuhay sa lungsod.

“May this church of Saint Francis here in Mandaluyong be not only a place of worship, but a center of mission. May sinners find mercy, the weary find rest, and the poor find hope,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Samantala, sinabi naman ni Fr. Jefferson Agustin, OFM Cap., kura paroko ng simbahan, na mahalagang paalala ang dedication ng simbahan upang manatiling nakaugat ang buhay ng bawat mananampalataya sa misyon ni Hesukristo.

“Ang kahalagahan ng dedication na ito ay magpapaalala sa atin na ang buhay natin ay dapat nakaugat sa misyon ng ating Panginoong Hesukristo,” pahayag ni Fr. Agustin sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag din ng pari na ang simbahan ay banal na lugar kung saan nagtatagpo ang Diyos at tao sa pamamagitan ng mga sakramento.

“Ang pagtatalagang ito ay magpapaalala na ang simbahang ito ay sakramento ng pag-ibig ng ating Panginoong Hesukristo sa ating lahat. Itong simbahang ito ay itinatalaga upang ito ay maging banal at maging tagpuan ng Diyos at ng tao,” giit ng pari.

Dagdag pa ni Fr. Agustin, nagsisilbi ring lugar ng kapahingahan at panalangin ang simbahan para sa mga mananampalataya sa gitna ng ingay ng lunsod.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng pari ang mga deboto at mananampalataya na dumalaw sa parokya lalo na ngayong ipinagdiriwang ang Taon ni San Francisco de Assisi, kung saan nagkakaloob ng plenary indulgence sa simbahan sa buong taon.
May 6, 1957 nang maitatag ang parokya na pinangangasiwaan ng mga misyonerong Franciscan Capuchins.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 42,219 total views

 42,219 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 85,827 total views

 85,827 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 169,508 total views

 169,508 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 183,523 total views

 183,523 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top