Tagapangalaga ng mga heritage site sa Albay at Eastern Samar, pinaalalahanan ng NHCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,985 total reads

Naglabas ng paalala at babala ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa mga tagapangalaga ng mga heritage site kasunod ng pagliligalig ng Bulkang Mayon sa Albay at 6.1 magnitude na lindol sa Eastern Samar.

Hinimok ng komisyon ang mga tagapangalaga ng mga simbahan, lumang gusali, museo, at iba pang pamanang istruktura na huwag basta pumasok sa mga napinsalang gusali nang walang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang opisyal sa lugar at mga dalubhasa upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

“Please do not attempt to enter damaged structures without prior coordination with local authorities, and only after confirming that aftershocks have ceased and the area is deemed safe. Your safety is paramount,” paalala ng NHCP.

Pinaalalahanan din ng komisyon ang mga namamahala sa mga heritage site na tiyaking ligtas at maayos na nababantayan ang paligid ng mga apektadong istruktura upang maiwasan ang pagpasok ng mga taong walang pahintulot, magnanakaw, at mga namiminsala ng mga makasaysayang istruktura.

Binigyang-diin din ng NHCP ang kahalagahan ng pagdodokumento sa mga napinsalang cultural objects at agarang pagsagip sa mga movable heritage items upang maiwasan ang mas matinding pinsala dulot ng aftershocks, malalakas na pag-ulan, o pagnanakaw.

Nagbabala rin ang NHCP sa publiko na maging maingat sa mga ibinabahaging larawan sa social media dahil maaari itong magamit ng mga mapagsamantala at iba pang may masamang intensyon laban sa mga pamanang lugar.

“Your personal safety is of utmost concern. Again, do not attempt to enter damaged buildings without consultation and coordination with site administrators and experts,” giit ng NHCP.

Nakasaad sa katuruang panlipunan ng Simbahan na ang pangangalaga sa kasaysayan, kultura, at kalikasan ay isang sama-samang pananagutan para sa kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 7,031 total reads

 7,031 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 79,816 total reads

 79,816 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 166,315 total reads

 166,315 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 209,350 total reads

 209,350 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 258,762 total reads

 258,762 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 193,145 total reads

 193,145 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top