7,864 total views
Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang tuloy-tuloy na pagtulong sa mga Filipino Seafarers at Overseas Filipino Workers.
Ayon kay CBCP-ECMI Executive Secretary Father Roger Manalo, ito ay bahagi ng mga pastoral care ng simbahan na bukod sa tinutulungan ang mga OFW at Migrant Workers ay nagiging benepisyaryo din ang kanilang pamilyang naiiwan sa Pilipinas.
Sinabi ni Fr.Manalo na ang scholarships at mental health programs para sa pamilya ng mga OFW at seafarers ay kabilang sa mga programa ng CBCP-ECMI.
“Opo, ang ECMI po para mas madali tayong mag-reach out, hinati po natin sa tatlong region: Luzon, Visayas, at Mindanao, at may coordinator po tayo para diyan. Ano po ang ginagawa nila? nag-oorganize po ng Diocesan Migrant Ministry. Sinusulatan ko palagi ang bishop na mag-assign sila ng Diocesan Migrant Director na pari tapos lay o kaya madre na kasama po niya para magbigay po ng structure para sundan ng parishes ang Migrant Ministry. Ano po ang ginagawa dito? Nagbibigay po tayo ng seminars, ineempower po natin ang mga leaders po ng parish para pag-usapan po ang issue na ito. Kapag nagbibigay po tayo ng seminar, kasama po natin ang OWWA, DSWD, IACAT, DMW, para sa mga issues na kaugnay po nito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Manalo.
Bukod sa pamahalaan, katuwang ng CBCP-ECMI ang Stella Maris Philippines at Scalabrini Migration Network sap ag-aruga sa mga OFW at seafarers gayundin ang kanilang pamilya.
Itinatag naman ng CBCP-ECMI ang mga Chaplaincy sa iba’t-ibang bansa sa ibayong dagat para mangalaga sa spiritual formation ng mga Pilipino sa abroad.
“Ngayon pong darating na September 29, National Migrant Sunday, dito po, we reach out to families to tell them that they are not alone, to pray for their families po, to gather families to listen to them, para malaman nila na vina-value po ‘yung sacrifice nila, i-oorganize po sila para ma-lessen po ‘yung palaging problemang pumapasok sa pamilya nila and of course to celebrate with them,” bahagi pa ng panayam kay Fr. Manalo.
Kaugnay nito, patuloy ang pananalangin ni Stella Maris CBCP-Bishop Promoter at CBCP-ECMI Vice-Chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa ikabubuti ng mga OFW, Filipino Migrants and Seafarers sa kanilang pamamalagi sa ibayong dagat upang makapaghatid ng maayos na kinabukasan sa kanilang pamilya.