Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang VIP sa batas

SHARE THE TRUTH

 16,538 total views

Nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mamamayan na bantayan ang pag-usad ng kaso ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo makaraang sumuko si Quiboloy sa mga awtoridad kasama ang iba pang akusado.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang pagiging mapagbantay at pakikialam ng bawat mamamayan upang matiyak ang pananaig ng katarungan para sa mga biktima ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao ni Quiboloy.

“We urge everyone to be watchful as the case progresses. It is through collective vigilance that we ensure justice is served and human dignity is protected.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Binigyang diin naman ng Obispo na dapat na maging patas ang mga otoridad sa pagpapatupad ng batas kung saan hindi dapat na tratuhing VIP o bigyan ng pambihirang pabor si Quiboloy.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na kinakailangan na maging mahigpit ang mga otoridad sa pagpapatupad ng proseso ng batas at hindi dapat na magkaroon ng anumang kasunduan o pakikipagkasundo sa kampo ni Quiboloy at iba pang mga kasama akusado.

“The law must apply equally to all. We trust there will be no VIP treatment, and that justice will proceed without favoritism… We hope there were no under-the-table deals, particularly with the Department of the Interior and Local Government (DILG). Transparency is essential, and the process must remain uncompromised,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Kinilala naman ng Caritas Philippines ang pagsusumikap ng mga kawani ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na mahanap si Quiboloy upang maisakatuparan ang pagbibigay katarungan sa lahat ng kanyang mga biktima ng karahasan at pang-aabuso lalo’t higit sa mga kabataan at mga kababaihan.

“We commend the Philippine National Police (PNP) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) for their dedication in ensuring this important step toward justice” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Nagpaabot naman ng pananalangin si Bishop Bagaforo para sa lahat ng mga pamilya at biktima ni Quiboloy na patuloy na naghahanap ng katarungan at nagsusumikap na malagpasan ang kanilang mga pinagdaanan.
Bukod sa paghilom para sa mga biktima ay ipinapanalangin din ng Obispo si Quiboloy at ang mga kasapi ng Kingdom of Jesus Christ upang magkaroon ng lakas at bukas na pag-iisip na tanggapin ang katotohanan kaugnay sa mga alegasyong pang-aabusong kinakaharap ni Quiboloy.

“At the heart of this case are victims who have suffered immensely. Their protection, care, and recovery must be prioritized, along with the support of their families, who carry a heavy burden… We offer prayers for healing, not only for the victims but also for Pastor Quiboloy and his followers, that they may find clarity and strength to face the truth.” Pagbabahagi pa ni Bishop Bagaforo.

Sumuko si Quiboloy sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) noong ika-8 ng Setyembre, 2024 matapos na magbigay ng 24-hour ultimatum ng PNP bago pasukin ang mga mahahalagang gusali ng KOJC compound sa Davao City.

Ika-9 naman ng Setyembre, 2024 ng pormal nang humarap sa Quezon City Regional Trial Court si Quiboloy para sa mga kasong sexual abuse of minor at child cruelty kung saan may piyansang 180-libo sa sexual abuse habang 80-libo naman sa child cruelty.

Nakatakda ding iharap si Quiboloy sa Pasig Regional Trial Court para non-bailable na human trafficking case.

Inilipat sa Quezon City ang paglilitis kay Quiboloy mula Davao City makaraang aprubahan ng Korte Suprema ang kahilingan ng prosekusyon upang maiwasan ang impluwensya ng akusado sa mga korte sa judicial region.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi sapat ang kasikatan

 1,556 total views

 1,556 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 8,871 total views

 8,871 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 59,195 total views

 59,195 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 68,671 total views

 68,671 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 68,087 total views

 68,087 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatalaga sa pangulo ng CBCP bilang Cardinal ay pagsasabuhay ng simbahang sinodal-de Villa

 31 total views

 31 total views Naniniwala ang dating kinatawan ng Pilipinas sa Vatican na ang pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ay isang ganap na pagsasabuhay sa pagkakaroon ng Simbahang sinodal. Ayon kay former Ambassador to the Holy See Henrietta De Villa, ang pagkakatalaga kay Cardinal-elect David bilang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagpaabot ng pagbati kay Cardinal-elect David

 400 total views

 400 total views Nagpahayag ng pagbati ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng simbahan. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, lubos ang kagalakan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan ng VIPS

 3,508 total views

 3,508 total views Inihayag na ng prison ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang tema ng 37th Prison Awareness Sunday ngayong taon. Inilaan ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa pagkilala sa kahalagahan ng mga Volunteer In Prison Service (VIPS) ang paggunita ng Prison Awareness Week ngayong taon kung saan napiling tema ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Simbahan, tiniyak ang pagiging kanlungan ng mga mananampalataya

 3,696 total views

 3,696 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahang Katolika saan mang panig ng mundo upang magsilbing kanlungan ng mga mananamapalataya lalo’t higit ng mga Pilipino na naghahanapbuhay at naninirahan sa ibayong dagat. Ito ang bahagi ng mensahe ni Novaliches Bishop Roberto Gaa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Korte Suprema, pinuri ng CHR

 4,108 total views

 4,108 total views Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang pinakabagong desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay diin na hindi na kinakailangan pa ng proof of resistance o patunayan ng mga biktima ng panggagahasa ang pagtutol sa mga kaso ng pang-aabuso o sexual assault sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta, o pananakot. Ayon sa komisyon na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Certificate of restoration ng Divino Rostro, tinanggap ni Archbishop Alarcon mula sa NHCP

 3,761 total views

 3,761 total views Pinangunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang paglagda at pagtanggap ng certificates of transfer and acceptance sa restoration project ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa orihinal na 142-year old icon ng Divino Rostro o Holy Face of Jesus. Isinagawa ang turn-over ceremony noong September 28, sa Minor Basilica of

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Libreng entrance exam fee sa kolehiyo, pinuri ng CHR: Mas malawak na scholarship program, iminungkahi

 4,902 total views

 4,902 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa naisabatas na Republic Act No. 12006 o tinatawag din na “Free College Entrance Examination Act” na naglalayong gawing libre ang college entrance examination sa mga pribadong higher educational institutions (HEIs) para sa mga kuwalipikadong mag-aaral. Ayon sa komisyon, malaking tulong para sa bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paalala ng Obispo sa mga nagnanais na maging opisyal ng bansa: “We are merely their servants”

 5,422 total views

 5,422 total views Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga naghahangad na kumandidato sa nalalapit na halalan na magsilbing tunay na tagapaglingkod o ‘servant’ gaya ng mga lingkod ng simbahan na tagapaglingkod ng Diyos at ng kanyang kawan. Ito ang bahagi ng mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa 38th National Migrants Sunday

 9,002 total views

 9,002 total views Inaanyayahan ng Pastoral Care for Families of Migrants and Itinerant People of Novaliches (PAMINOVA) ang publiko partikular na ang kapamilya ng mga migrante na makibahagi sa nakatakdang paggunita ng diyosesis sa 110th World Day of Migrants and Refugees at 38th National Migrants Sunday. Ayon sa PAMINOVA, layuning ng diyosesis na gunitain at alalahanin

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Priests and politicians are bound for a common goal, to serve the country

 9,234 total views

 9,234 total views Nilinaw ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang mga lingkod ng Simbahan at mga halal na opisyal ng pamahalaan ay kapwa may pambihirang tungkulin at responsibilidad para sa kapakanan ng taumbayan. Ito ang bahagi ng mensahe at pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP Bishop-Promoter of

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ihanda ang mga layko sa Great Jubilee Year 2025, misyon ng National Laity week 2025

 9,125 total views

 9,125 total views Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maging epektibo at makabuluhan ang paggunita ng Pambansang Linggo ng Laiko o National Laity Week 2024 ngayong taon upang maihanda ang bawat layko sa nakatakdang Great Jubilee Year 2025. Ito ang bahagi ng mensahe ni Dipolog Bishop Severo Caermare –

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Maralit, buong-pusong tinanggap ang plano ng Panginoon

 10,658 total views

 10,658 total views Tiwala si out-going Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa plano ng Panginoon at pagtanggap sa bagong tungkulin na ini-atang sa kanya ng Santo Papa Francisco bilang bagong obispo ng Diyosesis ng San Pablo,Laguna. Ibinahagi ni Bishop Maralit na bagamat may takot, pangamba, at bahagyang lungkot sapagkat kontento, payapa at masaya siya sa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pinuno ng CBCP-ECSC, itinalagang Obispo ng Diocese of San Pablo

 11,206 total views

 11,206 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. bilang bagong pinunong pastol ng Diocese of San Pablo. Ang 55-taong gulang na si Bishop Maralit ang hahalili sa naiwang posisyon ng nagbitiw na si Bishop-emeritus Buenaventura Famadico dahil sa kondisyong pangkalusugan. Sa isinapublikong pahayag ng Diyosesis ng San Pablo na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Nararapat ipaalala at ituro ang naganap na karahasan sa panahon ng martial law

 13,627 total views

 13,627 total views Binigyang diin ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) na mahalagang patuloy na ipaalala at ituro sa mga kabataan ang tunay na mga naganap sa bansa noong panahon ng Batas Militar sa gitna ng iba’t ibang tangka na baguhin ang nasabing bahagi ng kasaysayan. Ito ang ibinahagi ni PAHRA Chairperson Dr. Nymia

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Authoritarian regime umiiral pa rin sa Pilipinas

 12,505 total views

 12,505 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa patuloy na mga paglabag sa karatapang pantao, at kawalang katarungan sa bansa makaraan ang 52-taon. Ito ang pagninilay ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top