CBCP-ECPPC, nakikiisa sa paggunita ng Womens Month

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,251 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang prison ministry ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa paggunita ng sambayanan ng Buwan ng Kababaihan o Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Kinilala ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC), ang mahalagang ambag ng mga kababaihan sa lipunan lalo’t higit ang dedikasyon sa pagsusulong ng pagkalinga, pagmamahal at pangangalaga maging sa mga Persons Deprive of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakasala sa buhay.

Tinukoy ng prison ministry ng CBCP ang pagsusumikap ng mga kababaihang Volunteers in Prison Service (VIPS) na maging tanglaw ng katarungan na nakapaghihilom at nakapagpapaalala sa kahalagahan ng buhay ng bawat isa maging ng mga nakapiit sa mga bilanguan.

“We celebrate the dedication of our Volunteers in Prison Service (VIPS)—Women who bring hope, dignity, and transformation to those behind bars. Your compassion is a beacon of justice that heals, reminding every incarcerated person that they are not forgotten. Thank you for your unwavering service and love.” Bahagi ng pagbati ng CBCP-ECPPC.

Tema ng paggunita ng Women’s Month sa Pilipinas ngayong taon ang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas,” kung saan una na ring nagpahayag ng pagkilala ang Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pagtataguyod ng isang makatarungan, at may malasakit na lipunan.

Ang Buwan ng Kababaihan o Women’s Month ay ipinagdiriwang tuwing Marso sa buong mundo habang sa Pilipinas, ito ay alinsunod sa Proclamation No. 227, s. 1988, na nagdedeklara ng Marso bilang National Women’s Month upang kilalanin ang kontribusyon ng kababaihan sa lipunan at itaguyod ang kanilang karapatan at kapakanan.

Ipinagdiriwang naman ang International Women’s Day tuwing Marso 8 bilang isang pandaigdigang araw ng pagkilala sa mga tagumpay ng kababaihan sa iba’t ibang larangan at ng patuloy na laban para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 22,882 total reads

 22,882 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,424 total reads

 43,424 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 117,755 total reads

 117,755 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 203,125 total reads

 203,125 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 249,860 total reads

 249,860 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 297,732 total reads

 297,732 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 395,673 total reads

 395,673 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top