CBCP, hinimok ang mga kabataan na panindigan at isabuhay ang katotohanan ni Kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 344 total views

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na matutuhan ng mga kabataan na manindigan sa katotohanan kay Kristo.

Ayon kay Bangued Bishop Leopoldo Jaucian, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, nawa’y mapagtibay ng mga kabataan ang pananampalataya sa Panginoon upang maging masigla sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

“Magbunga ng matibay na pananampalataya ng ating kabataan at lalo silang mapalapit ang pagmamahal nila sa Panginoon,” pahayag ni Bishop Jaucian sa panayam ng Radio Veritas.

Ito ay kaugnay sa ginaganap na National Youth Day 2019 sa Arkidiyosesis ng Cebu na dinaluhan ng higit sa 12, 000 kabataan mula sa 86 na mga Diyosesis at Arkidiyosesis sa buong bansa.

Sinabi ng Obispo na mahalaga ang pagtitipon sapagkat malaki ang gampanin ng mga kabataan sa buhay pananampalataya at kasalukuyan at kinabukasan ng Simbahang Katolika.

Hinimok ng Obispo ang mga kabataang delegado ng N-Y-D na huwag katakutan ang paglapit kay Hesus dahil ito ang nagdadala ng katotohanan na dapat magiging gawi ng kabataan.

“Palagi kong sinasabi sa kabataan huwag kayong matakot na lumapit kay Hesus pakinggan ang kaniyang tinig lalong na sa mga hamon ngayon lalong lalo na ang stand for truth, kailangan natin ang katotohanan kay Kristo na paninindigan at isabuhay,” ani ng Obispo.

Inihayag ni Bishop Jaucian na bilang mga kabataang bahagi ng komunidad dapat itong maging tagapaghatid ng katotohanan lalo na sa mga Salita ng Diyos na unti-unting nababalewala bunsod ng mga hamon sa lipunan tulad ng paglaganap ng fake news.

Sa mensahe ng Kan’yang Kabanalan Francisco noong World Youth Day hinamon nito ang mga kabataan na maging instrumento sa pagpapalaganap ng misyon ng Simbahan ang paghahayag ng mga Salita ng Diyos sa sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 90,365 total views

 90,365 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 90,365 total views

 90,365 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 90,365 total views

 90,365 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 87,644 total views

 87,644 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 80,062 total views

 80,062 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top