CBCP, mariing kinondena ang naganap na karahasan sa North Cotabato sa pagsalubong sa Bagong Taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,160 total reads

Mariing kinondena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang karahasang nangyari sa Barangay Dalapitan, Matalam, North Cotabato na ikinasugat ng 22 katao matapos hagisan ng granada ang mga residenteng nagsasaya sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng Episcopal Commission on Interreligious Dialogue ng CBCP, walang puwang sa lipunan ang anumang uri ng karahasan at dapat papanagutin sa batas ang mga nasa likod ng krimen.

“We strongly condemn this very serious crime against our peace-loving people of Cotabato Province. In solidarity with our government leaders, we condemn this very serious crime,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Batay sa ulat ng Philippine National Police–North Cotabato, isang riding-in-tandem ang naghagis ng granada sa mga residente bandang hatinggabi ng January 1 habang nagdiriwang ng Bagong Taon, dahilan upang masugatan ang 22 katao.

Nanawagan ang obispo sa mga mamamayan na manatiling alerto ngunit huwag hayaang sirain ng insidente ang pagbubuklod at mapayapang ugnayan ng komunidad sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala.

“Maging mapagbantay, pero huwag hayaang hadlangan ng insidenteng ito ang ating diwa ng pagkakapatiran at pakikipagkapwa,” ani Bishop Bagaforo.

Hinikayat din nito ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang matukoy at madakip ang mga responsable sa krimen.

“We ask our people to support and cooperate with our authorities in apprehending those responsible for this,” dagdag ng obispo.

Samantala, kinumpirma ng PNP na sa isinagawang province-wide manhunt ay napaslang ang isa sa mga suspek matapos manlaban sa pulisya.

Kinilala ang suspek na si Hammad Ansa, na ayon sa mga saksi ay positibong natukoy sa police gallery bilang isa sa riding-in-tandem at may nakabinbing warrant of arrest sa kasong pagpatay noong December 1.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, hinihinalang may kaugnayan sa paghihiganti ang insidente kasunod ng pinaigting na operasyon laban sa ilegal na droga sa Matalam, kung saan itinuturing ang ilang lugar bilang pinamumugaran ng drug syndicates.

Patuloy namang ipinapanalangin ni Bishop Bagaforo at ng Simbahang Katolika ang paggaling ng mga biktima at ang patuloy na pagbubuklod ng pamayanan tungo sa makatarungan at tunay na kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 152,834 total reads

 152,834 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 225,722 total reads

 225,722 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 259,170 total reads

 259,170 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 294,469 total reads

 294,469 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 515,027 total reads

 515,027 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top