Caritas Philippines, nanawagan ng Katarungan at Kapayapaan sa Bagong Taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 66,266 total reads

Nanawagan ang Caritas Philippines para sa isang makatarungan, mapagpalaya, at payapang kapayapaan nang walang paggamit ng armas, kasabay ng pagsalubong ng bansa sa bagong taon.

Binigyang-diin ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na ang kapayapaang handog ng Panginoong Hesukristo ay hindi nagmumula sa takot, dahas, o puwersa ng armas, kundi sa kababaang-loob, pagtitiyaga, at sama-samang pagkilos—lalo na para sa mga maralita at nasa laylayan ng lipunan.

Ayon sa Obispo, hindi magiging matatag ang kapayapaan sa Pilipinas hangga’t ipinagkakait ang kabuhayan, nilalabag ang dangal ng tao, at patuloy na nararanasan ng mga mahihirap ang kawalan ng katarungang panlipunan.

Para sa maraming pamilyang Pilipino na dumaranas ng kahirapan, karahasan, paglikas sa kanilang tahanan, at kawalan ng katiyakan, ang kapayapaan ay hindi isang malayong pangarap kundi malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng takot at pag-asa, at ng pagbubukod at pakikilahok sa komunidad.

“As we begin a new year, Caritas Philippines joins the Holy Father, Pope Leo XIV, in proclaiming the Easter greeting of the Risen Christ: ‘Peace be with you.’ This greeting is not a formality nor a distant hope. It is an invitation and a challenge—calling us to choose what kind of nation we will be in the year ahead,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza.

Mariin ding kinondena ng Caritas Philippines ang paniniwalang ang seguridad ay nakukuha sa pamamagitan ng militarisasyon at dahas. Iginiit ng Obispo na ang tunay at pangmatagalang kapayapaan ay nagmumula sa katarungan, dayalogo, at pagpapanumbalik ng nasirang ugnayan, lalo na sa mga komunidad na matagal nang pinagkaitan ng boses at karapatan.

“We call for the protection of children, Indigenous peoples, farmers, fisherfolk, and urban poor communities whose lives are most vulnerable to the combined impacts of conflict, climate change, and unjust development,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 6,285 total reads

 6,285 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 79,147 total reads

 79,147 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 165,646 total reads

 165,646 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 208,681 total reads

 208,681 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 258,142 total reads

 258,142 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top