CBCP, naglathala ng panalangin para sa Barangay at SK elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 646 total views

Naglathala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ng partikular na panalangin para sa nakatakdang halalang pang-Barangay.

Nasasaad sa panalangin ang paghingi ng gabay sa Panginoon upang bigyan ng katalinuhan ang mga botante na maghalal ng mga karapat-dapat na lider ng pamayanan na magsisilbi ng may katotohanan, katarungan at para sa pagpapaunlad ng dignidad ng mga mamamayan.

Bukod dito, bahagi rin ng naturang Panalangin para sa Halalang Pang-Barangay ang pagkakaroon ng malalim na pag-unawa ng bawat isa sa mga katangian kinakailangang taglayin ng mga opisyal na dapat na mamuno sa bawat barangay kabilang na ang pagiging boses at tulay para sa mga mahihirap, mahihina at inabanduna sa pamayanan.

Ang naturang panalangin ang nakatakdang simulang sambitin sa bawat misa simula ika-6 hanggang ika-13 ng Mayo sa bahagi ng Panalangin ng Pakikinabang.

Ang Panalangin para sa Halalang Pang-Barangay ay inilathala sa tatlong wika o bersyon na English, Tagalog at Cebuano.

Kaugnay nito magsisimula ang Campaign Period para sa Halalang Pambarangay sa ika-4 hanggang ika-12 ng Mayo.

Nauna namang tiniyak ng Commission on Elections ang kahandaan ng ahensya upang pangasiwaan ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kung saan kinakailangang maghalal ng 1-Kapitan ng Barangay at 7-Kagawad habang para naman sa Sangguniang Kabataan ay kinakailangan ring maghalal ng 1-SK Chairman at 7-nitong Kagawad.

Batay sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB) umaabot sa 42,027 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Pilipinas.

Ang Region VIII (Eastern Visayas region) ang may pinakamaraming barangay sa bansa na umaabot sa 4,390, sumunod dito ang Region VI (Western Visayas) na may 4,051 barangay, at ang Region IV-A (Calabarzon) na 4,011.

Pinakakaunti naman ang bilang ng barangay sa Region XI (Davao region), na may 1,162 barangay. Sinundan ito ng Region XII (Soccsksargen) na may 1,194 barangay at Cordillera Administrative Region (CAR) na may 1,176.

Please see attached : 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,314 total views

 51,314 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,183 total views

 47,183 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,385 total views

 83,385 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,984 total views

 91,984 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,970 total views

 116,970 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 324,966 total views

 324,966 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top