135 total views
Bagama’t walang naiulat na nadamay na Pinoy sa nangyaring lindol sa Italy ay nag – abot ng pakikiisa at pakikidalamhati ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Pastoral Care for Migrant and Itinerant People sa mga biktima ng trahedya.
Nakikiramay si Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon sa mga kaanak ng mga nasawi na batay sa Civil Protection ay umabot na sa 159 habang 368 naman ang nasugatan sanhi ng pagyanig sa kabundukan ng Amatrice, Italy.
“While we are relieved that no Filipino perished in the deadly Earthquake that hit Italy, we are deeply saddened by the deaths it caused among the residents of the affected areas. Italy is a hospitable country for our OFWs. We share in the pain of those who have been injured, hurt and left orphans and homeless. We grieve with Italy,”pahayag ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.
Nagpapasalamat naman si Bishop Santos sa Italy na isa sa naging tahanan sa mahigit 200 libong overseas Filipino workers kung saan 12.8-porsiyento ng kabuuang cash remittances ang naipapadala ng mga ito sa bansa.
Nagpa – abot rin ng panalangin ang Obispo para sa pisikal at espiritwal na kalakasan ng mga nakaligtas sa trahedya na sa tulong ng awa ng Diyos ay makabangon muli mula sa 6.2 magnitude na lindol.
“Italy is gracious home to our OFWs who experienced love and acceptance there. During this trying moment of disaster we commend God’s forgiving love to the deceased. Let us all pray for bodily and moral strength to the survivors and faith and hope to the citizens of Amatrice and Accumoli that with God’s mercy they will rise again,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Nauna ng nagpadala ng anim na firefighters ang Kanyang Kabanalan Francisco upang tulong sa relief operation ng mga nakaligtas sa pagyanig na kung saan noong taong 2009 ay mahigit sa 300 katao din ang namatay sa lindol.
Nagsasagawa na rin ng relief operations sa mga biktima ang Caritas Internationalis.