Mga Pilipino, ligtas mula sa 6.2 magnitude na lindol sa italya-DFA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 599 total reads

Ligtas ang mga Pilipino mula sa 6.2 magnitude na lindol sa Italya.

Dahil dito, ayon kay Department of Foreign Affairs assistant secretary at spokesman Charles Jose labis silang nagpapasalamat bagamat nakikidalamhati rin sa mga kaanak ng mga nasawi sa lindol na pinaka-naapektuhan ang Central Italy kabilang na ang Amatrice.

Kaugnay nito, sinabi ng DFA na patuloy pa rin ang monitoring ng embahada ng Pilipinas sa Roma sa sitwasyon ng mga Pilipino doon sa pamamagitan ng pagpapadala ng team sa mga apektadong lugar upang tingnan ang kalagayan ng ating mga kababayan.

Sakali aniyang kakailanganin ng tulong, handa ang embahada na magbigay ng suporta sa mga Pilipino doon.

“So far wala pong report na may nadamay sa lindol sa Italy sa 170,000 Filipino natin doon lahat ligtas, at ang embassy natin sa Roma patuloy ang monitoring sa sitwasyon ng ating mga kababayan, nagpadala ng team ang ating embassy sa affected areas para tingnan ang ating mga kababayan at mag-extend ng assistance kung kakailanganin po,” pahayag ni Jose sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa datus ng DFA, nasa 170,000 ang mga Pilipino sa Italya.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng 159 na kumpirmadong nasawi sa 6.2 magnitude na lindol na tumama sa Central Italy particular na sa Amatrice, Accumoli at Arquata del Tronto.

Mahigit sa 80 ang nasawi sa Amatrice kung saan malaking bahagi ng lugar ang labis na napinsala dahil karamihan ng mga bahay at gusali ay gumuho.

Sa datos mula sa civil protection officials ng Italya, aabot na sa 368 ang naitala nilang sugatan sa lindol.

Matatandaang naganap sa Sicily Italy ang pinakamapaminsalang lindol noong Pebrero ng taong 1169 kung saan umabot sa 25,000 tao ang namatay dahil na rin sa pagkakaroon din ng tsunami.

Sa Pilipinas, patuloy naman ang paghahanda ng Caritas Manila at ang Radyo Veritas ng mga programa kaugnay sa pag-iwas sa kalamidad at agarang pagsaklolo sa mga biktima ng kalamidad gaya ng paglindol at mga bagyo upang hindi maging malaki ang epekto sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 82,570 total reads

 82,570 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 129,956 total reads

 129,956 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 177,827 total reads

 177,827 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 281,775 total reads

 281,775 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 364,076 total reads

 364,076 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 310,760 total reads

 310,760 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 417,579 total reads

 417,579 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top