Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lumalalang commercial sexual exploitation

SHARE THE TRUTH

 453 total views

Mga Kapanalig, maliban sa droga at krimen, may isa pang mabigat na problemang dapat pagtuunan ng pansin, hindi lamang ng mga kinauukulan kundi nating lahat. Ito ay ang commercial sexual exploitation na, kasabay ng pagbabago ng porma nito, ay pabatâ nang pabatâ ang mga nabibiktima.

Gaya na lamang ng prostitusyon. Ang Pilipinas ay sinasabing pang-apat sa mga bansang may pinakamaraming batang nabibiktima ng prostitusyon. Noong 2008, may tinatayang 60,000 hanggang 100,000 na mga bata ang naging biktima nito ayon sa NGO na ECPAT International. May kalumaan na ang datos na iyon, ngunit ang ganitong uri ng eksploytasyon sa mga kabataan ay hindi maikakailang namamayagpag pa rin.
Kahirapan ang sinasabing pangunahing ugat ng problema ng prostitusyon. Ngunit, Kapanalig, ang isyung ito ay higit nang naging kumplikado bunsod na rin ng pag-usbong ng modernong teknolohiya at pagbabago sa mga pananaw at pagpapahalaga o values ng mga tao.
Sa isang pag-aaral na ibinahagi kamakailan ng isa pang NGO na PLAN International, marami sa mga batang nakapanayam ang nagsabing kusa silang pumasok sa prostitusyon. Wala umanong pumilit sa kanila. Marami sa mga batang ito ay galing sa mahihirap na pamilya at pumasok sa kalakarang ito upang makatulong kanilang pamilya o tustusan ang kanilang pag-aaral. Nakababahala ring sa pamamagitan ng prostitusyon ay nabibili nila ang mga bagay na gusto nila gaya ng mga gadgets. Malaking impluwensiya ang kanilang mga kaibigang ganito rin ang trabaho at humimok sa kanilang ikalakal ang kanilang murang katawan.

Natuklasan din sa pag-aaral ang bagong modus o paraan kung papaano ginagawa ang prostitusyon. Kung dati ay may bugaw na mistulang tagalakò ng mga bata, ngayon ay may mga tinatawag na “freelancers”. Sila ang mga batang direktang nakikipag-usap sa customers sa pamamagitan ng Facebook, mga pornographic websites, at mga sumisikat ngayong mobile chat applications. Marami sa mga batang nadadawit sa prostitusyon ay nagsabing nakaranas sila ng pisikal na pang-aabuso sa kamay ng kanilang mga parokyano. May ilan ding umaming nahawahan sila ng sexually transmitted diseases.

Mga Kapanalig, nakababahala ang resulta ng pag-aaral na ito. Patuloy na lumalaki ang hamon kung papaano pupuksain ang prostitusyon at iba pang porma ng commercial sexual exploitation katulad ng human trafficking at pornograpiya. Tunay ngang ang prostitusyon—ito man ay sapilitan o bunga ng sariling desisyon—ay mapanganib sa kalusugan ng tao, maaaring humantong sa pang-aabuso, at higit sa lahat, nakapagpapababa sa dignidad ng tao. Ang lumalalang kahirapan, lumalaganap na materyalismo, at pagkasira ng mga pagpapahalaga o values ng mga tao ay ilan sa mga sanhi ng problemang ito.

Sa mga katuruang panlipunan ng Santa Iglesia na Evangelium Vitae at Gaudium et Spes, itinuturing ang prostitusyon at anumang porma ng sexual exploitation na lantarang paglapastangan sa dignidad ng tao. Nilalason din ng mga ito ang ating lipunan. Ang kultura ng materyalismo na bumabalot sa mundo ng ating mga kabataan ngayon—marahil sa kagustuhan din nilang sumunod sa uso at maging “in” sa kanilang mga kaibigan—ay kailangang bantayan at agarang maituwid. Pinaalalahanan na tayo ni Pope Francis sa isang misa noong 2013: kapag hinahayaan nating mangibabaw ang materyalismo sa ating buhay, nagiging makasarili tayo, kumakapit tayo sa mga materyal na bagay na ninanakaw ang ating pagkatao. Huwag nating hayaang malunod sa daluyong ng materyalismo ang ating mga anak, mga kapamilya, at ang ating sarili mismo.

Mga Kapanalig, ang commercial sexual exploitation sa mga kabataan ay hindi lamang malulutas sa pamamagitan ng pag-angat sa antas ng pamumuhay ng mga pamilya. Kailangan ding maibalik ang pagpapahalaga ng tao sa payak at sapat na pamumuhay. Dito mahalaga ang papel ng mga magulang, katuwang ang mga guro at mga taong Simbahan. Maging mapagbantay, dahil baka ang masamang gawaing ito ay nagsisimula nang lasunin ang kaisipan ng ating mga anak.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,434 total views

 29,434 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,151 total views

 41,151 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,984 total views

 61,984 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,405 total views

 78,405 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,639 total views

 87,639 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 29,435 total views

 29,435 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,152 total views

 41,152 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 61,985 total views

 61,985 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 78,406 total views

 78,406 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 87,640 total views

 87,640 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 74,117 total views

 74,117 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 82,176 total views

 82,176 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 103,177 total views

 103,177 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 63,180 total views

 63,180 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 66,872 total views

 66,872 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 76,453 total views

 76,453 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 78,115 total views

 78,115 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 95,446 total views

 95,446 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa armas at bala

 71,429 total views

 71,429 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan Napunta Ang Pera?

 64,287 total views

 64,287 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top