243 total views
Hinimok ni Department of Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno ang bawat Local Government Units na isama sa kanilang local plans ang Disaster Risk Reduction Management at iba pang Sectoral concerns.
Bukod sa DRRM, iniutos din ni Sueno na magkaroon ng development plans and programs ang bawat lokal na pamahalaan para sa Climate Change Adaptation, mga mahihirap na pamilya, mga kababaihan, Indigenous People, at Senior Citizens.
“Disaster risk reduction should now be a norm and integral part of local plans bearing in mind that people’s lives and properties are at stake. Disaster preparedness can curtail devastation to local economies. At the same time, LGU’s must espouse inclusive good local governance. No sectors must be left out,”pahayag ni Sueno.
Ayon sa National Geographic, isang dahilan ang climate change nang pagtaas ng bilang ng mga mahihirap.
Sa first Quarter ng 2016, lumabas sa Social Weather Stations survey na may 10.5milyong bilang ng pamilyang Filipino ang naniniwalang sila ay mga dukha.
Nasasaad naman sa Laudato Si ni Pope Francis ang kagyat na pangangailangan sa pag-sasaayos ng kalikasan, dahil maging ang Santo Papa ay nababahala na ang pangunahing naaapektuhan nito ay ang mga katutubo at ang mga mahihirap na walang kakayahang proteksyonan ang kanilang sarili laban sa mga epekto ng Climate change.