Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, nanatiling tutol sa death penalty

SHARE THE TRUTH

 1,302 total views

Hindi magbabago ang paninindigan ng Simbahang Katolika laban sa sa parusang kamatayan.

Ito ang binigyang diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa muling pagsusulong ng ilang mga mambabatas na ibalik ang capital punishment sa bansa matapos ang insidente ng pagpaslang ng isang pulis sa mag-ina niyang kapitbahay sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano-executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, bagamat may kalayaan ang kongreso na gumawa ng mga batas na para sa bayan ay nananatili naman ang paninindigan ng Simbahan na hindi naaangkop ang muling pagsasabatas ng death penalty.

Paliwanag ng Pari, hindi tugon ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa patuloy na karahasan at kriminalidad sa lipunan na isang pagsasawalang bahala sa buhay na kaloob ng Panginoon sa bawat isa.

“Congress has the liberty to enact laws but the church still maintains that death penalty it is not a panacea that will solve criminal acts perpetrated against persons.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Giit ng pari, mas nararapat tutukan ang pagsasaayos at pagpapabuti sa criminal justice system ng Pilipinas sa halip na ang pagbabalik ng capital punishment.



Pagbabahagi ni Fr. Secillano, kinakailangan ang epektibo at patas na pagpapatupad ng mga umiiral na batas at sistemang pangkatarungan upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan.

“It has always been in the government’s agenda, but it would be wise for the government to instead start reforming our criminal justice system which is vital to ensuring peace and order in our society.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Nauna ng binigyang diin ni Fr. Secillano na hindi death penalty ang naaangkop na tugon sa kriminalidad sa lipunan sa halip ay ang honest law enforcement at incorruptible penal system.

Kabilang rin ang pagbabalik ng death penalty sa mga death laws na tinukoy ni NASSA/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa patuloy na tututulan at lalabanan ng Simbahang Katolika ngayong taong 2021.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,728 total views

 73,728 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,723 total views

 105,723 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,515 total views

 150,515 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,462 total views

 173,462 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,860 total views

 188,860 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 903 total views

 903 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,953 total views

 11,953 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 905 total views

 905 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,484 total views

 60,484 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,074 total views

 38,074 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 45,013 total views

 45,013 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,468 total views

 54,468 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top