Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Total ban ng paputok, makakabuti sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 623 total views

Pinuri ng environmental group ang matiwasay at malinis na pagdiriwang ng pagsalubong sa bagong taon sa National Capital Region.

Ito’y dahil nabawasan ang naitalang Firecracker-related injuries at polusyon sa Maynila bunsod ng pinairal na total ban sa pagbebenta ng mga nakapapaminsalang paputok.

Ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste Coalition na ito’y isang palantandaan na nabawasan na nabawasan din ang mga basura sa kapaligiran na palagiang problema sa unang araw ng bawat taon.

Dahil din sa kaunting paggamit ng paputok ay nabawasan ang polusyon sa hangin kung ikukumpara noong mga nagdaang taon.

“Unang una, magandang sensyales ‘yan para sa atin, lalung-lalo na ‘yan naman din talaga ang layunin at tunguhin natin na panawagan, ever since na talagang mabawasan ‘yung basura, ganundin yung paggamit ng mga paputok sa pagsalubong ng bagong taon. Kaya ‘yan ay ikinagagalak natin na nangyayari ‘yung ganyang sitwasyon dito sa atin,” pahayag ni Dizon sa panayam ng Radio Veritas.



Hiniling naman ng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nawa’y tuluyang pagpapatupad ng total ban sa anumang uri ng paputok maging ang pyrotechnic activities sa buong bansa sa taong 2021.

“Talagang inaantabayanan natin at sana nga ay patuloy na ipanawagan pa ng ating Pangulo [Rodrigo Duterte], kumbaga ipagpatuloy niya yung kanyang pronouncement nung una na ngayong 2021 ay talagang mas pag-push ng total ban sa firecrackers at pyrotechnic activities ang mga Filipino,” ayon kay Dizon.

Batay sa ulat ng Department of Health, aabot sa kabuuang 50 ang naitalang firecracker-related injuries sa buong bansa mula noong ika-21 ng Disyembre, 2020 hanggang unang araw ng Enero, 2021.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 79,873 total views

 79,873 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 87,648 total views

 87,648 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 95,828 total views

 95,828 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,369 total views

 111,369 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,312 total views

 115,312 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 2,436 total views

 2,436 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 3,837 total views

 3,837 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top