“Difficulties do not mean the lack of blessing” – Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 850 total reads

Hindi nangangahulugan ng pagtalikod ng pangako ng Diyos sa sangkatauhan ang mga nararanasang pagsubok at paghihirap.

Ito ang paglilinaw ng Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle-Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples’.

Paliwanag ni Cardinal Tagle ang mga hindi magandang karanasan ay hindi kawalan ng biyaya kundi pagsasabuhay sa pangako ng Panginoon na makasama siya sa panghabang panahon.

Ito ang pagninilay ni Cardinal Tagle sa ginanap na misa sa Pontificio Collegio Filippino para sa Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria bilang Ina ng Diyos at Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan na ginugunita tuwing unang araw ng Enero.

Ayon kay Cardinal Tagle, tuwinang kapiling ng tao ang Panginoon higit lalu sa karanasan ng marami na krisis pangkalusugan na dulot ng novel coronavirus at iba’t ibang kalamidad.

“Difficulties do not mean the lack of blessing; the promise of Jesus is ‘I will be with you until the end of time’ that’s the blessing,” ayon kay Cardinal Tagle.

Hinikayat din ng Cardinal ang bawat isa na suriin ang sarili at hanapin ang Panginoon sa bawat yugto ng kanilang buhay maging sa panahon ng pagdurusa.

“As we end the year which some people say is a ‘year of disaster’ may I invite you to look at the blessing (which is) God, how did God keep you during the Year, how did God continue to feed you during the year, how did God smile at you during the year, how did God treat you with kindness during the year, how did God and God’s presence save us from something that would have ruin us,” bahagi pa ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Hiling din ni Cardinal Tagle sa bawat isa na huwag lamang ituon ang pansin sa mga hindi naisakatuparang mithiin noong nagdaang taon sa halip ay bigyang tuon ang pagsasakatuparan sa plano ng Diyos para sa lahat.

Giit ng Cardinal tanging ang Panginoon lamang ang may mas higit na makapangyarihan kumpara sa anumang bagay at anumang mga pagsubok sa buhay.



Ipinaliwanag naman ni Cardinal Tagle na sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan-ang Panginoon lamang ang makapagkakaloob ng kapayapaan at kapanatagan sa bawat isa na hindi lamang nakabatay sa pagkakasundo sa iisang bagay kundi sa pagbibigay galang at halaga sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala, pananampalataya at panindigan sa mga bagay.

“May we experience the blessedness of Mary, she who cooperated with the greatest blessing the incarnation of the son of God that change the course of history and then there will be peace. The World Day of Peace, there is no peace without God. Peace is a gift of God, peace comes from the name of God that is invoke on people and it is not peace not because there are no more differences, no more debates, no more conflicts there will be peace because there is salvation because the smile of God could be stronger than the roaring of guns.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Umaasa naman ang Kanyang Kabunyian na sa pagharap ng bawat isa sa pagsisimula ng bagong taong 2021 ay maging huwaran ng lahat ang pagiging mapagmalasakit at mapagkalinga ng Mahal na Inang Maria para sa mga nangangailangan bilang tunay na Reyna ng Kapayapaan na Ina ni Hesus na siyang tagapagligtas ng sanlibutan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,431 total reads

 21,431 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 45,913 total reads

 45,913 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 116,416 total reads

 116,416 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 202,930 total reads

 202,930 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 245,954 total reads

 245,954 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 293,858 total reads

 293,858 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,432 total reads

 21,432 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top